Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kelot binoga sa lamayan (Nag-away sa pusoy)

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang lalaki makaraan pagbabarilin ng kanyang kalugar nang magtalo habang naglalaro ng sugal na pusoy sa isang lamayan ng patay kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Patuloy na ginagamot sa East Avenue Medical Center ang biktimang si Victor Pambid, 37, residente ng Lot 2, Avocado St., Brgy. 178, Camarin ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Habang tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na si Reynaldo Becine, alyas Nado, 50, ng 1122 B. Suha St., ng nasabing barangay, mabilis na tumakas makaraan ang insidente.

Batay sa ulat ni PO2 Rio Velez, dakong 2:20 a.m. nang maganap ang insidente sa lamayan ng patay sa nasabing lugar.

Magkalaban sa sugal na pusoy ang biktima at suspek nang bigla silang magtalo. Umuwi ang suspek ngunit nang bumalik ay may dalang baril saka pinaputukan ang biktima.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …