Sunday , December 22 2024

Balasahan sa PNP inaasahan

INAASAHAN na ang balasahan o major revamp sa key positions sa pambansang pulisya.

Ito’y kasunod sa pagkakahirang kay Police Director General Ricardo Marquez bilang bagong PNP chief.

Si Marquez ang Director for Operations ng PNP bago siya hinirang bilang bagong pinuno ng PNP.

Dahil sa pagkakatalaga kay Marquez at pagreretiro sa serbisyo ni retired PNP OIC chief Leonardo Espina, ilang key positions sa PNP ang nabakante ngayon.

Ayon kay PNP-PIO chief, Chief Supt. Wilben Mayor, isa sa pagtutuunan ng pansin ng bagong talagang PNP chief ang pagtalaga ng mga opisyal sa mga nabakanteng position.

Kinompirma ni Mayor na si Chief Supt. Jonathan Miano, ang hepe ng Northern Police District (NPD), ang naupo bilang bagong Director for Operations (DO) kapalit sa pwesto na iniwan ni Marquez.

Dagdag ni Mayor, aakyat sa puwesto si Police Deputy Director General Marcelo Garbo na deputy chief for Operations, at si Police Deputy Director General Danilo Constantino na hepe ng PNP Directorial Staff.

Habang bakante ang puwestong iniwan ni Espina, ang deputy chief for administration.

Kinompirma ni Mayor na ngayong Lunes magsisimula ng kanyang trabaho si Marquez bilang PNP chief.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *