Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

12-taon kulong sa pang-aabuso sa senior citizen

MABIGAT na parusa ang haharapin ng isang taong mapatutunayang nanakit ng senior citizen oras na pumasa sa Kamara ang isang panukalang batas.

Isinusulong ngayon sa Kongreso ang House Bill 5903 o ang “Anti-Violence Against Senior Citizens Act” na inihain ni Deputy Speaker at Nueva Vizcaya Rep. Carlos Padilla para bigyang proteksyon ang matatanda laban sa ano mang uri ng pang-aabuso tulad ng physical, sexual, psychological, at economical.

Nais din ng opisyal na masiguro ang kapakanan, kaligtasan at seguridad ng matatanda sa lipunan at maitulak din ang kanilang karapatan para sa mapayapa, positibo at may dignidad na pamumuhay sa mga nalalabi nilang taon.

Ang panukala ay alinsunod na rin sa International Human Rights Status of Elderly Persons, Universal Declaration of Human Rights, United Nations Convention on the Rights of the Elderly, at iba pang international human rights group na kinabibilangan ng Filipinas.

Paliwanag ng kongresista, malapit sa mga pang-aabuso ang senior citizens lalo na’t mahihina at nakadepende na ang mga pangangailangan nila sa kanilang pamilya.

Nakaaalarma aniya na hindi man lang nabibigyang pansin ang karapatan ng matatanda lalo nang kumalat sa social media ang video ng pananakit ng hinihinalang anak sa kanyang inang senior citizen.

Pagkakakulong ng anim hanggang 12 taon at multa na P100,000 hanggang P300,000 bukod sa kailangan sumailalim sa psychological counseling o psychiatric treatment ang mahahatulan sa pang-aabuso sa senior citizen.

Jethro Sinocruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …