Sunday , December 22 2024

1 patay, 2 kritikal sa gun for hire

PATAY ang isang barangay executive officer habang nasa kritikal na kondisyon ang tinarget na barangay kagawad, at isang binatilyong tinamaan ng ligaw na bala makaraan barilin ng isang hinihinalang “gun for hire” kahapon ng umaga sa Binondo, Maynila.

Namatay noon din ang biktimang si Alexander Cabanangan, 46, barangay Ex-O ng Brgy. 276, Zone 25, residente ng 359 Alonzo St., Binondo, Maynila, tinamaan ng bala sa mukha.

Habang 50-50 ang tsansang mabuhay ng biktimang si Barangay Kagawad Zosimo Roque, 47, ng 850 Old Matadero St., Binondo, Maynila, nilalapatan ng lunas sa Justice Jose Abad Santos Hospital.

Ginagamot sa Ospital ng Maynila ang ikatlong biktimang si Bill Garcia, 16, tinamaan ng ligaw na bala habang naglalaro ng basketball.

Samantala, naaresto ang suspek na si Christopher Malasmas, 30, tubong Candelaria, Quezon, walang pernamenteng tirahan sa Maynila, ni PO2 Elmer Quinto, ng San Nicolas PCP, kanyang hiningan ng tulong dahil may humahabol aniya sa kanya.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Richard Escarlan, ng Manila Police District-Homicide section, naganap ang insidente dakong 8:41 a.m. sa Cambas St. kanto ng P. Carreon St., Binondo, Maynila.

Napag-alaman, ang target patayin ay si Roque ngunit nadamay si Cabanangan nang tangkang tulungan ng nasabing barangay ex-o. Habang minalas na tinamaan din ng bala si Garcia.

Habang papatakas, umangkas ang suspek kay PO2 Quinto dahil may humahabol aniya sa kanyang armado ng baril. Gayonman, isang saksi ang humabol sa pulis at sinabing si Malasmas ay suspek sa pamamaril ng tatlo katao.

Bunsod nito, inaresto siya ni PO2 Quinto ngunit kinuyog ang suspek ng taong bayan.

Leonard Basilio

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *