Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

14-anyos Lady drug courier itinumba sa Caloocan

BALA sa ulo ang tumapos sa buhay ng isang 14-anyos dalagitan na sinasabing sangkot sa pagtutulak ng ipinagbabawal na droga nang barilin ng hindi nakilalang suspek habang  naglalakad sa Caloocan City kahapon ng madaling araw.

Agad binawian ng buhay ang biktimang kinilalang si Krussell Malicdem, residente sa Block 50, Lot 25, Phase 2, Maya-Maya St., Brgy. Longos, Malabon City.

Tinutugis na ng mga awtoridad ang hindi nakilalang suspek na mabilis na tumakas makaraan ang insidente.

Batay sa ulat ni PO2 Cesar Garcia, naganap ang insidente dakong 4:45 a.m. sa Tanigue St., malapit sa kanto ng Dalagang Bukid St., at Hasa-Hasa St., Brgy. 14, Caloocan City.

Sa salaysay ng kaibigan ng biktima na si Angela Salonga, napadaan sa kanilang lugar si Malicdem at kumaway sa kanya ngunit ilang sandali ang lumipas nakarinig siya ng putok ng baril.

Nang alamin niya ang pinanggalingan ng putok ay nakita ang nakadapang biktima na wala nang buhay.

Lumalabas din sa imbestigasyon na sangkot sa ipinagbabawal na droga ang biktima kaya’t inaalam ng mga awtoridad kung may kaugnayan ito sa krimen.

Patuloy na nag-iikot sa pinangyarihan ng insidente ang mga awtoridad upang malaman kung may close circuit television (CCTV) na nakakabit sa naturang lugar na posibleng makatulong upang makilala ang mga suspek.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …