Sunday , December 22 2024

“Kupitan” na inte-delihensiyador sa MPD bilang na ang araw mo!

police2NAGPALAKPAKAN at naghiyawan umano ang mga vendor sa Divisoria nang marinig ang babala ni PNP chief, DG Ricardo Marquez sa mga scalawag na pulis na “MAY KALALAGYAN KAYO!”

Tila hudyat daw ito na nabibilang na ang araw ng mga scalawag na pulis lalo na ‘yung mahilig magpahirap sa mga vendor na baon na baon sa 5/6, pero halos tatlong beses inoorbitan at kinokotongan ng mga bagman ng isang mayabang na kupitan ‘este kapitan sa Maynila.

Sa PNP turnover ceremony nitong Huwebes, sinabi ni Marquez, nakasasawa na ang masamang tingin ng publiko sa buong hanay ng pulisya dahil sa katiwalian ng ilang scalawags.

Mariing sinabi ni PNP chief, “Sa mga pulis na matitino at malinis ang hangaring maglingkod sa bayan, hindi ba kayo nagngingitngit tuwing naririnig ninyo ang mga pasaring na ‘palibhasa kasi pulis’ sa tuwinang naire-report o nangongotong o may hulidap cops?

“Sawang-sawa na rin ako sa ganitong pananaw sa atin ng publiko.”

Nadadamay umano maging ang matitinong pulis sa kawalan ng tiwala ng publiko.

“When crime fighters coddle criminals or become criminals themselves, our citizens learn to distrust or even condemn not just those few erring cops but the whole organization as well.”

Bilang bagong hepe ng 160,000 pulis sa bansa, sinabi ni Marques na ipapataw niya ang mas mahigpit na disciplinary action sa mga tiwaling pulis.

Pero, gagantimpalaan naman aniya ang lahat ng pulis na maayos na maglilingkod sa bayan.

“Do your job well and you will be rewarded. If you are threatened or endangered in the line of duty, I will be there for you. Walang iwanan.”

“But betray your oath and violate the law, sisiguraduhin ko na may kalalagyan kayo!”

‘Yan ang matinding babala ni PNP chief.

Unahin sana ni PNP chief, DG Marquez, ang mga opisyal lalo na ‘yung isang kupitan ‘este kapitan na mayroong pulutong ng mga bagman na eksperto sa intelihensiya at delihensiya sa Maynila.

(Kung hindi po kasi mababali ang ganyang delihensiya ng mga tenyente o kapitan, ganyan na rin ang magiging sistema nila hanggang maging superintendent as in colonel o heneral sila. Kaya habang maaga ay pinuputol ang masamang gawi ng mga ganyang opisyal.)

Back to kupitan ‘este kapitan, napakasipag umanong umikot sa kalakhang Maynila para iimbudo at isa-isahin ng kanyang mga bagman ang tarya sa mga iligalista.

Ipinagmamalaki pa umano nitong nagpapanggap na malinis na pulis na si kupitan na hindi siya pwedeng banatan dahil demanda ang aabutin sa kanya.

Aabangan po namin ang paglilinis ninyo sa mga scalawag na lespu sa Maynila!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *