Monday , December 23 2024

“Kupitan” na inte-delihensiyador sa MPD bilang na ang araw mo!

NAGPALAKPAKAN at naghiyawan umano ang mga vendor sa Divisoria nang marinig ang babala ni PNP chief, DG Ricardo Marquez sa mga scalawag na pulis na “MAY KALALAGYAN KAYO!”

Tila hudyat daw ito na nabibilang na ang araw ng mga scalawag na pulis lalo na ‘yung mahilig magpahirap sa mga vendor na baon na baon sa 5/6, pero halos tatlong beses inoorbitan at kinokotongan ng mga bagman ng isang mayabang na kupitan ‘este kapitan sa Maynila.

Sa PNP turnover ceremony nitong Huwebes, sinabi ni Marquez, nakasasawa na ang masamang tingin ng publiko sa buong hanay ng pulisya dahil sa katiwalian ng ilang scalawags.

Mariing sinabi ni PNP chief, “Sa mga pulis na matitino at malinis ang hangaring maglingkod sa bayan, hindi ba kayo nagngingitngit tuwing naririnig ninyo ang mga pasaring na ‘palibhasa kasi pulis’ sa tuwinang naire-report o nangongotong o may hulidap cops?

“Sawang-sawa na rin ako sa ganitong pananaw sa atin ng publiko.”

Nadadamay umano maging ang matitinong pulis sa kawalan ng tiwala ng publiko.

“When crime fighters coddle criminals or become criminals themselves, our citizens learn to distrust or even condemn not just those few erring cops but the whole organization as well.”

Bilang bagong hepe ng 160,000 pulis sa bansa, sinabi ni Marques na ipapataw niya ang mas mahigpit na disciplinary action sa mga tiwaling pulis.

Pero, gagantimpalaan naman aniya ang lahat ng pulis na maayos na maglilingkod sa bayan.

“Do your job well and you will be rewarded. If you are threatened or endangered in the line of duty, I will be there for you. Walang iwanan.”

“But betray your oath and violate the law, sisiguraduhin ko na may kalalagyan kayo!”

‘Yan ang matinding babala ni PNP chief.

Unahin sana ni PNP chief, DG Marquez, ang mga opisyal lalo na ‘yung isang kupitan ‘este kapitan na mayroong pulutong ng mga bagman na eksperto sa intelihensiya at delihensiya sa Maynila.

(Kung hindi po kasi mababali ang ganyang delihensiya ng mga tenyente o kapitan, ganyan na rin ang magiging sistema nila hanggang maging superintendent as in colonel o heneral sila. Kaya habang maaga ay pinuputol ang masamang gawi ng mga ganyang opisyal.)

Back to kupitan ‘este kapitan, napakasipag umanong umikot sa kalakhang Maynila para iimbudo at isa-isahin ng kanyang mga bagman ang tarya sa mga iligalista.

Ipinagmamalaki pa umano nitong nagpapanggap na malinis na pulis na si kupitan na hindi siya pwedeng banatan dahil demanda ang aabutin sa kanya.

Aabangan po namin ang paglilinis ninyo sa mga scalawag na lespu sa Maynila!

Kailan ba magbabago ang LTO!?

Isang malaking negosyo pa rin ba ang Land Transportation Office (LTO) na parang lagi na lang pinagkakakitaan at hindi na serbisyong pambayan o paglilingkod sa sambayanan ang ginagawa nito?

Naitanong natin ito, dahil ganoon pa rin ang bulok na sistema ng LTO mula noon hanggang ngayon.

Pahirapan pa rin ang pagkuha ng lisensiya.

Umpisahan natin sa student permit, kung wala kang birth certificate o passport, voters ID ay waley kang makukuha pero kung may gay-la o padulas aprubado agad-agad.

May medical at eye examination pa. May urine drug test pa kuno-kuno?!

Iba pa rin ang hirap, pagdating sa pagkuha ng non-pro at professional license.

Lahat nga ng daraanan sa pagkuha ng lisensiya ay parang dumaraan sa toll gate na laging may bayad!

Bukod pa ‘yan sa mga isyu ng anomalya sa mga kontrata ng LTO sa driver’s license, plate numbers, at computerization.

Sandamakmak naman talaga ang pangkabuhayan!

Ang LTO offices, bulok pa rin ang mga pasilidad, napakahirap at napakainit sa mga aplikante at pagkatapos magbayad pawang temporary license ang plates (papel lang).

Sonabagan!!!

Halos P400 milyone ang kontrata sa lisensiya pero hanggang ngayon hindi nila mai-deliver sa mga aplikante!

Mas mabuti pa siguro sa LTO Recto na lang magpagawa at PVC ID pa?!

Ang bagong plaka (BILYON din ang kontrata) ‘e pumuti na muna ang uwa, bago pa nai-release!

Ang higit na kapalpakan, parang idinikit lang ng ‘chewing gum’ ang pintura sa bilis nitong mabakbak?!

Akala pa naman natin ‘e titino na ang LTO sa daang matuwid…hindi pa pala.

Baka sa daang tuwad pa umayos na ang sistema diyan sa LTO!

Pwe!

Perhuwisyong babuyan sa Bucandala IV Imus (Paging: DENR at Mayor Manny Maliksi)

SIR Jerry Yap, magandang araw po sa inyo, hihingi po sana ako ng tulong sa aming lugar po sa Imus particular po sa Bucandala IV, residente po ako ng Lessandra Homes (‘wag na lang po sana banggitin pra sa seguridad ng aking pamilya). Idudulog ko pong problema sa inyo ang BABUYAN ng mga JARO sa aming lugar. Grabe po ang mabahong amoy ng kanilang babuyan. Wala pong pinipiling oras at araw. Ang mga JARO po ay maiimpluwensyang tao sa Cavite. Idinulog ko na po ito sa mga kinauukulan pero wala pong aksyon kaya po napilitan akong idulog sa inyo dahil wala pong sinasanto ang inyong pahayagan (HATAW Tabloid Bulabugin ). Sana po ay magawan n’yo po ng paraan. Ang kanila po kasing dahilan ay nauna raw po silang magtayo ng piggery bago pa po naitayo ang mga subdibisyon sa aming lugar.Marami na pong kabahayan doon ngayon at develop na po ang lugar na ‘yun. Maraming salamat po.

  r———[email protected] 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *