Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Responsable sa rubout sa Maynila mananagot (Tiniyak ng PNP)

TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na pananagutin ang limang pulis-Maynila sakaling mapatunayang nagkasala sila sa pagkamatay ng isang hinihinalang holdaper.

Magugunitang naka-enkwentro ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa Sampaloc ang biktimang tricycle driver at isa pang lalaking nakatakas.

Makikita sa CCTV footage ng barangay kung paano binaril ng isang pulis ang driver na nakaluhod na at nakataas pa ang mga kamay.

Sinabi ni S/Supt. Rustico Bascuguin, Deputy District Director for Administration ng MPD, iniimbestigahan nila ang insidente at tiniyak niyang magiging patas sila. 

Dagdag ni Bascuguin, hindi nila kinokonsinti ang pagbaril sa sino mang suspek lalo’t sumusuko na.

Nauna nang sinibak sa puwesto ang limang pulis, kabilang na ang precinct commander ng Gulod na si S/Insp. Rommel Salazar, at apat niyang mga tauhang sina PO3 Ferdinand Valera, PO1 Ronald Depasina, PO1 Ruel Landrito at PO1 Jomar Landoy.

Una na rin dumipensa ang MPD Station 4 na ipinangtanggol lang ng isang pulis ang sarili kaya nabaril at napatay ang isa sa dalawang suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …