Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

May kalalagyan kayo — PNP Chief (Babala sa tiwaling pulis)

NAGBABALA ang bagong hirang na PNP chief na si Director Ricardo Marquez sa mga tiwaling pulis.

Sa PNP turnover ceremony nitong Huwebes, sinabi ni Marquez, nakasasawa na ang masamang tingin ng publiko sa buong hanay ng pulisya dahil sa katiwalian ng ilang pulis.

“Sa mga pulis na matitino at malinis ang hangaring maglingkod sa bayan, hindi ba kayo nagngingitngit tuwing naririnig ninyo ang mga pasaring na ‘palibhasa kasi pulis’ sa tuwinang naire-report o nangongotong o may hulidap cops?” tanong niya.

“Sawang-sawa na rin ako sa ganitong pananaw sa atin ng publiko.”

Aniya, nadadamay maging ang matitinong pulis sa kawalan ng tiwala ng publiko.

“When crime fighters coddle criminals or become criminals themselves, our citizens learn to distrust or even condemn not just those few erring cops but the whole organization as well,” sabi ni Marquez.

Aniya, bilang bagong hepe ng 160,000 pulis sa bansa, iniutos niya ang mas mahigpit na disciplinary action sa mga tiwaling pulis.

Samantala, magagantimpalaan naman aniya ang lahat ng pulis na maayos na maglilingkod sa bayan.

“Do your job well and you will be rewarded. If you are threatened or endangered in the line of duty, I will be there for you. Walang iwanan.”

“But betray your oath and violate the law, sisiguraduhin ko na may kalalagyan kayo,” babala ni Marquez.

Habang siniguro niya kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na ipagpapatuloy ng PNP sa ilalim ng kanyang pamumuno, ang tuluyang pagtahak sa “daan matuwid.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …