Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dividendazo ipinagdamot lolo, tinaga

SUGATAN ang isang 60-anyos lolo makaraan pagtatagain ng isang ‘karera afficionado’ nang ipagdamot ng biktima ang dividendazo o programa sa karera kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Nakaratay sa Metropolitan Medical Center ang biktimang si Augusto Buan, front desk manager, ng 1741 Antonio Rivera St., Tondo, Maynila, tinamaan ng taga sa noo at kanang kamay, makaraan tagain ng suspek na si Ramsey Luigi, 40, ng Bambang St.,Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon ni PO3 Reynaldo Ferrer, ng Manila Police District Station 2, naganap ang insidente dakong 10:05 p.m. sa panulukan ng Abad Santos at Quiricada streets, Tondo, Maynila.

Ayon sa saksing si Reggie Barrera, 37, driver, ng 1692-E Antonio Rivera St., Tondo, Maynila, kinuha ng suspek nang walang paalam ang dividendazo ng biktima na ikinagalit ng matanda.

Bunsod nito, nagtalo ang dalawa hanggang umuwi ang suspek ngunit pagbalik ay may dalang itak at pinagtataga ang biktima.

Kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek.

Leonard Basilio, may kasamang ulat nina Angelica Ballesteros, Rhea Fe Pasumbal, Beatriz Perena at Anne Marielle Eugenio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …