Sunday , December 22 2024

Basura ng Canada haharangin ng Tarlac LGU

HAHARANGIN ng provincial government ng Tarlac at ng lokal na pamahalaan ng Capas ang mga karagdagang container van ng basura ng Canada na itatapon sa kanilang landfill.

Iginiit ni Capas Mayor TJ Rodriguez, pag-aari pa rin ng lokal na pamahalaan ang landfill at nakasaad sa kanilang ordinansa na tanging mga basura lamang mula sa Pampanga, Tarlac, Baguio at Metro Manila ang maaaring itambak doon.

Hindi aniya nagpaalam sa kanila ang pamunuan ng landfill para dalhin doon ang mga basura ng Canada na anila ay pawang household waste lamang.

“Ang tanong po, ganito, bakit napakalaki ng Canada, bakit napakalayo ng Canada, kung ito ay household waste lamang, bakit sila gagastos nang ganito kalaki para lang itapon sa Filipinas ang basura nila,” giit ng alkalde. 

Inamin ni Rodriguez na mayroon silang hindi pagkakaunawaan sa tagapangasiwa ng 100 ektaryang landfill na Metro Clark Waste Management Corporation (MCWMC). 

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *