54 estudyante, guro nalason sa pastel at macapuno
hataw tabloid
July 17, 2015
News
UMABOT sa 54 estudyante ang nalason sa kinaing pastel at macapuno candy sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City at Sultan Kudarat.
Nabatid na 40 high school students ng Sumulong High School sa Quezon City ang nalason sa macapuno candies.
Isinugod sa Quirino Memorial Medical Center ang mga biktima nang sumakit ang kanilang tiyan at sumuka.
Ayon sa mga biktima, bago magsimula ang klase, may vendor na nagtungo sa Sumulong High School at nagbigay ng libreng sample ng nasabing macapuno candy. Galing daw sa Calauan, Laguna ang nasabing kendi.
Nakatakdang ipasuri ang sample ng macapuno candy.
Samantala, nagpapagaling na sa South Cotabato Provincial Hospital ang 14 estudyante at isang guro ng Sultan Kudarat State University (SKSU)-Lutayan Campus makaraan malason sa pastel.
Kinilala ang mga biktimang si Charlene Capillo 23, guro, at mga mag-aaral na sina Jona Palma, 19; Billy Rey Arana, 19; Melvin Madero, 20; Adrian Besares, 20; Peter Bajo, 20; Fernando Nate, 23; Allan Pinto, 19; Carlo John Sumambong, 18; Ronel Gabais, 20; Rolly Boy Sagao, 19, at Arnel Buenafe, 24.
Ayon kay Ruth Jordan, faculty in-charge ng SKSU-Lutayan Campus, dakong 12 p.m. nang makaranas nang pagsusuka at pagsakit ng tiyan ang mga biktima.
Nang tanungin sila kung ano ang kanilang kinain, sinabi nilang pastel na itinitinda sa loob ng canteen sa naturang paaralan.
Tindera ng expired chewing gum umapelang ‘wag kasuhan (113 mag-aaral nalason)
DAGUPAN CITY- Personal na umapela sa mga magulang nang mahigit 100 estudyanteng nalason sa nabiling chewing gum, ang tinderang nagbenta nito sa mga biktima sa Lungsod ng San Carlos sa lalawigan ng Pangasinan, na huwag siyang kasuhan.
Nakiusap sa mga magulang ang tinderang si Emelita Geronimo, at ipinaliwanag na nabili rin lamang niya ang mga chewing gum sa ibang nagbebenta nito na natunton mula sa lalawigan ng Nueva Ecija.
Hindi rin daw niya ginusto na malason ang mga estudyante ng Guelew Integrated School.
Nabatid, tinanggal ang expiration date at tampered din ang produkto na ibinenta sa mga estudyante. Kung maa-alala, abot sa kabuuang 113 mag-aaral ang naospital nang malason dahil sa expired na chewing gum.
Ayon sa FDA, DOH nakalasong candies kontaminado ng bacteria
KONTAMINADO ng bacteria ang durian at mangosteen candies na naging dahilan ng massive food poisoning sa halos 2,000 mag-aaral sa mga lalawigan ng Agusan del Sur, Surigao del Norte at Surigao del Sur. Ito ang lumabas sa resulta ng la-boratory test na isinagawa ng Food and Drugs Administration (FDA) at Department of Health (DoH) central office sa candy samples.
Ayon kay Dr. Santiago, ang candies na nabili ng mga bata ay may staphylococcus bacteria, isang uri ng bacteria na makikita sa mga singit-singit ng tao tulad sa balat, buhok, kili-kili, pati na sa ilong at lalamunan at maging sa mga hayop.