Sunday , December 22 2024

500-M Napoles assets ipinakokompiska ng US

NAKATAKDANG makipag-ugnayan ang gobyerno at korte ng Filipinas sa US Justice Department dahil sa ipinataw na forfeiture sa assets ng binansagang pork barrel scam queen na si Janet Lim-Napoles.

Nabatid na umaabot sa $12.5 million o katumbas nang mahigit P500 million ang ipinababawi ng Estados Unidos.

Kabilang sa sakop ng civil forfeiture complaint ang property ni Napoles sa Los Angeles condominium, isang motel malapit sa Disneyland, at Porsche Boxster na binili para sa anak niyang si Jeane Catherine Napoles.

Nabatid na isinampa ang kaso sa Los Angeles Federal District Court.

Giit ni Assistant Attorney General Leslie Caldwell ng Justice Department, hindi sila papayag na maging playground ng korupsiyon at pagtaguan ng mga ninakaw na yaman ang kanilang bansa.

Si Napoles ay kasalukuyang nakakulong sa Women’s Correctional sa lungsod ng Mandaluyong dahil sa kasong serious illegal detention na isinampa ng kanyang kaanak na si Benhur Luy.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *