Sumakit ang tiyan ko katatawa diyan sa press release ng Manila International Airport Authority (MIAA) kamakalawa tungkol sa pagkakasugat ng dalawang Airport police mula sa IISANG BALA na aksidente umanong nakalabit ng isang biktimang pulis-airport.
Naniniwala ako na through and through ang bala ng baril na 9mm pero parang drawing na drawing naman na ang dalawang pulis ay kapwa tinamaan ng isang bala sa hita.
‘Yung isa, tatlong beses pa at may blast injury sa kaliwang palad, habang ‘yung isa pa, isang tama sa hita at blast injury sa kaliwang palad din — NG IISANG BALA?!
Anak ng tokwa!
May magic ba ang balang ‘yan at napakagaling mag-rebound?!
Parang gusto tuloy nating itanong, MAGKAPATONG ba ‘yung dalawang pulis nang pumutok ‘yung iisang baril at nagpakawala ng iisang bala?!
What the fact!
Mahirap ipaliwanag ‘yan!
‘Yan ang hirap dito sa batch ng mga bagong Airport police, malilikot pa ang mga kamay sa pagkalabit ng gatilyo.
‘Yun bang tipong, hindi mapakali at galaw nang galaw ang mga daliri.
Ano ba talagang training ang ginawa niyan sa isang resort sa Nueva Ecija, APD concurrent chief Gen. Jesus Gordon Descanzo?!
Aba kung ganyan ang mga bagong pulis na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), nakanenerbiyos namang totoo!