Tuesday , April 29 2025

Iringan ni Lina, Dellosa


Alam n’yo bang may namumuong iringan sina Customs Chief Bert Lina at kanyang deputy commissioner for Intelligence Jessie Dellosa? Dalawang ‘ika nga mga batang palasyo at parehong appointee ni Pnoy?

Hindi natin alam, pero marahil ito ay may kinalaman sa kanilang mga function. Si Lina bilang komisyoner ay dapat nagco-concentrate sa policy making decision. Si Dellosa naman bilang pinuno ng Customs main intelligence arm dapat kumakalap ng mga intel info mula sa mga source sa loob at labas ng Bureau of Customs.

Sa hindi pa natin batid na official reason,  bigla na lang sinisibak ni Lina ang dalawa sa mga nalalabing mga tauhan ni Dellosa sa Intelligence na pinamumunuan niya. Normally, dapat may endorsement ng immediate chief (Dellosa) ang ano mang major move ng komisyoner. Pero ito pinstrak ni Lina. Siya mismo ang nagtanggal sa natitirang trusted men ni Dellosa, na kapwa effective sa intel work dahil sa pagiging organic nila at professional.

Naghihinala tuloy na baka daw may nasagasan na mga friend ni Lina ang mga tao ni Dellosa na mga kargamento na maaaring ikinirita ni komisyoner.

Kung ano man ang inside story nito, mahirap makauha ng truthful answer.

Ang tinanggal ni Lina sa Intelligence Group sa pamumuno ni Dellosa ay mga beteranong spy officer like Oscar Tibayan at Troy Tan na may magandang track record. Records will speak for the two great spy officers. Una rito, si Attorney Leo Peralta na naka-detail sa NAIA ay natanggal din at itinapon sa kakungan a few days pa lang bago umupo si Lina noong last week of Arpil.

Isinunod ang pumalit pansamantala kay Peralta na si Joel Pinawin.Kaya lang hindi maituloy-tuloy ni Lina dahil magkakaroon ng kulay kung ipapatapon din niya si Pinawin.

Itong si Peralta ang personal na itinalaga ni Dellosa noon para mag-investigate sa warehouse at iba pang kompanya ni Lina sa airport dahil balitang may anomalya umano. Hindi natin alam kung ano  ang naging resulta nang investigation.

Lumulutang na ang tila iringan nina Lina-Dellosa. Sino kaya ang manaig sa kanila?

Kung tayo ang tatanungin, walang kargang baggage sa balikat si Dellosa, sabi ng mga bata niya his life is an open book.

Ito naman si Lina, may dalang baggage sa kanyang likod dala ng mga negosyo niya sa Kustoms mismo  na pinaiimbestigahnan nga ni Dellosa.

Makikita natin na walang cover up na magaganap hanggang si Dellosa ay nasa kustoms.

Pero gaano ba katagal siya?

Abangan na lang natin ang mga susunod na kabanata.   

About Arnold Atadero

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Imee, Camille, laglag sa endorsement ni Digong

AKSYON AGADni Almar Danguilan TABLADO kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sina senatorial candidates Senator Imee …

Firing Line Robert Roque

Tara, PNP, pustahan tayo!

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAHIRAP paniwalaan ang patuloy na paninindigan ng Philippine National …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Hustisya sa kuwaresma hatid ng PNP sa pamilya Que-Pabilio

AKSYON AGADni Almar Danguilan TUWING kuwaresma ang lahat ay nagpapahinga, nagbabaksyon, nagninilay, etc…dahil walang pasok …

Sipat Mat Vicencio

Masisikmura ba ng DDS na iboto si Imee?

SIPATni Mat Vicencio SA KABILA ng pambobola ni Senator Imee Marcos sa pamilyang Duterte, magagawa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperado na si Camille Villar at ang paglaglag ni Sara sa PDP-Laban senatorial slate

AKSYON AGADni Almar Danguilan DAHIL sa ginawang pag-endoso ni Vice President Sara kina Senator Imee …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *