CCTV footage isinumite na sa Camp Crame (Sa mag-asawang nalason)
hataw tabloid
July 14, 2015
News
PARA sa ikalilinaw ng kaso, isinumite na kahapon ng pamunuan ng Las Piñas City Police Anti-Cyber Crime, Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame ang CCTV footage sa mag-asawang manager na nalason sa parking area ng isang community mall sa Las Pinas City nitong Huwebes ng hapon.
Nabatid sa hepe ng Public Information Office (PIO) ng Las Piñas City Police, na si Chief Inspector Rey Viloria, isinumite na nila sa naturang tanggapan ang CCTV footage ng mag-asawang Juliet at Jose Maria Escano na natagpuang walang malay sa open parking ng Evia Mall sa Daang Hari, Brgy. Almanza 2 ng naturang lungsod.
Nasa custody na rin ng Las Piñas City Police ang CCTV footage na nag-drive-thru o bumili ng pagkain sa isang fast food chain (McDonald) sa Macapagal Avenue ang mag-asawang Escano base sa resibong nakita sa kanila.
Ipinasusumite na rin ng Las Piñas City Police ang CCTV footage kung saan bumili ng inomin at pagkain sa isang convenient store (7-11) sa Muntinlupa City ang mga biktima, para maisumite sa Anti-Cyber Crime ng PNP.
Ang mga CCTV footage ay kabilang sa magsisilbing mga ebidensiya para malaman kung saan bumili ng pagkain at inomin ang mag-asawang Escano, na naging dahilan ng pagkalason na humantong sa kanilang kamatayan.
Jaja Garcia
McDo mag-iimbestiga (Sa food poisoning sa mag-asawa)
NAGSASAGAWA nang hiwalay na imbestigasyon ang pamunuan ng McDonald Philippines kaugnay sa pagkamatay ng mag-asawang manager makaraan bumili ng pagkain sa kanilang fasf food chain nitong Huwebes ng hapon.
Sinabi ni Margot Torres, senior vice president for marketing ng McDonald, Philippines, nagsasagawa na sila ng imbestigasyon hinggil sa pagkamatay ng mag-asawang Juliet at Jose Maria Escano na sinasabing bumili sa kanilang sangay sa Diosdado Macapagal Boulevard, Pasay City.
Aniya, bukod sa sarili nilang imbestigasyon, bukas din ang kanilang tanggapan sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya.
“Any time po, kami ay makikipag-ugnayan sa pulisya kung kinakailangan po dahil sa lumalabas na bago namatay ang mag-asawa ay bumili ng kanilang pagkain sa fasf food chain,” ani Torres.
Partikular aniyang binili ng mag-asawa ang dalawang sausage McMuffin at orange juice, narekober ng mga awtoridad ang resibo nito sa loob ng sasakyan ng mga biktima.
Bukod dito, nare-kober din ang isang resibo ng 7-11 sa Alabang Muntinlupa City, binilhan ng dalawang slurpee ang mag-asawa.
Jaja Garcia