Monday , December 23 2024

Mga kawani ng GOCCs at GFIs nagsusumamo kay Pnoy


Ang Alyansa ng mga kawani ng GOCCS ay umaapela kay PNoy.

Ayon sa Kapisanan ng mga Manggagawa sa GOCCs at GFIs na may 27 union na umaabot sa 120,000 miyembro sa buong bansa, nais nilang ipatupad na ang Compensation and Position Classification System (CPSC).

Matatandaan na isinuspinde ng Malakanyang ang implementasyon ng pagtataas ng sahod at benepisyo ng mga kawani ng mga nasa Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs) at Government Financial Institutions (GFIs) sa pamamagitan ng Executive Order No. 7 noong Setyembre 2013.

Kasunod nito ay nagpasa ng Republic Act 10149 ang Kongreso na binuo ang Governance Commission for GOCCs (GCC) upang matigil ang korupsiyon sa GOCCs at GFIs.

Pumasok pa ang gobyerno sa isang kontrata sa Towers Watson sa halagang US$250,000, para  magsagawa ng pag-aaral at rekomendasyon para sa panibagong compensation structure sa lahat ng mga kawani ng GOCC at GFIs.

Mahinahong naghintay ang mga empleyado ng mga GOCCs at GFIs na ipatupad ang CPSC.

Pero ‘nganga’ pa rin sila at hindi na nakatiis at nangawit na sa pagkainip dahil halagang P3,000 na lamang ang  netong naiuuwi sa kanilang mga sahod.

Samantala, ang allowances, honoraria at per diems ng mga Commissioner at mga Board Member ay tinugunan ng Palacio de Malacañan.

Tila raw iba ang tinititigan sa tinitingnan?

Kaya naman nagsusumamo ngayon ang abang mga kawani na nasa GOCCs at GFIs kay Pnoy na ipatupad na ang Compensation and Position Classification System (CPSC).

At kung pwede ay ngayon na bago matapos ang daang matuwid!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *