Monday , December 23 2024

Tunay na malasakit at hospitality ng mga taga-Cuenca Batangas

archie kingMARAMING pumuri sa ipinakitang pagmamalasakit ng mga taga-Cuenca sa mga biktima ng chopper crashed na ikinamatay ng piloto at ng heredero ng hari ng Anito nitong nakaraang linggo.

Nang bumagsak kasi ang Agusta 109E type helicopter (RP-C2726), operated by Malate Tourist Development Corp., sa Mt. Maculot sa Cuenca, Batangas nitong Linggo ng umaga, mabilis na sumaklolo ang mga residente roon.

Hindi na nakapagtataka kung bakit mabilis na nadala sa ospital ang mga biktima.

Ang piloto na si Capt. Felicisimo Taborlupa at ang heredero, hotel king at philantropist na si Archimedes “Archie” King ay naipit sa harap ng helicopter, pero naitakbo pa nang buhay sa ospital.

Gayon din ang mga sugatan na sina style mavens Ricco & Tina Ocampo; Anton San Diego, editor ng Tattler Philippines; Christopher & Patricia Chilip; at Lingling Angeles King, asawa ni Archie.

Sila ay inilipad agad patungong St. Luke’s Medical Center Bonifacio Global City.

Habang sa pinagbagsakan ng helicopter, masinop na inimis ng mga taga-Cuenca ang kanilang mga kagamitan.

At kompletong ibinalik sa mga may-ari.

Kaya sa kabila ng kalungkutang nararanasan ngayon ng pamilya King ng mga Ocampo at ni Anton San Diego, dahil sa pagkamatay ni Archie, hindi rin nila  malimutan ang ginawang pagsaklolo sa kanila ng mga taga-Cuenca at ang pangangalaga sa kanilang mga gamit.

Kumbaga, sa panahon ngayon ay talagang kagulat-gulat at kakaiba na ang ganyang klase ng pagmamagandang-loob.

Sana ay ganitong kabutihang-loob ang napapanatili ng ating mga kababayan lalo na ng ating mga kabataan.

Maisalin sana ng mga taga-Cuenca sa kanilang mga kabataan ang ganitong kagandahang-asal.

Hindi na po tayo magtataka kung isang araw ay bumalik ang mga King sa nasabing lugar upang suklian ang ginawang kabutihan ng mga taga-Cuenca sa kanila.

Mabuhay po ang mga taga-Cuenca, Batangas lalo na riyan sa Maculot.

Pagpalain po kayo ng Maykapal sa inyong walang sawang pagpapala sa mga kababayan natin na madalas nagagawi sa inyong lugar lalo na ang mga montenero.

Huwag po sana kayong magsawang gumawa ng kabutihan sa kapwa lalo na sa ganyang mga insidente na talagang nangangailangan ng tulong ang biktima.

Mabuhay po ang mga taga-Cuenca!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *