Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bea, aminadong may problema sila ni Zanjoe

 

IN ang tsismis sa hiwalayan blues sa showbiz? Pagkatapos ang chism na may pinagdaaranan ang relasyon nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, John Lloyd Cuz at Angelica Panganiban sina Zanjoe Marudo at Bea Alonzo naman ang napapabalitang may problema sa relasyon nila.

Bagamat para sa TFC Fiesta Caravan 2015 ang pinuntahan ni Zanjoe sa Madrid, hindi pa rin maiwasan ang intrigang bakit hindi isinama ang kanyang girlfriend na si Bea? Nasanay na ang netizens na palaging kasama si Bea ‘pag nagpupunta sa abroad ang actor.

Pero naalala namin, hindi naman kasama si Bea noong magpunta sa Japan ang cast ng Banana Split pero roon naman na-blind item si Zanjoe na nagdala umano ng ibang babae sa kanyang hotel na agad din n’yang pinabulaanan.

Sa interview naman ng TV Patrol kay Bea, inamin niya na dumaraan sa pagsubok ang relasyon nila ni Z.

“Siyempre, who doesn’t want to stay in a beautiful relationship, ‘di ba? So, nandoon kami,” sey pa niya.

Balitang inaayos din ng dalawa kung anuman ang pagsubok na pinagdaraanan ng relasyon nila.

Samantala, hindi pa tuluyang nakababalik si Zanjoe sa gag show na Banana Split: Extra Scoop pero nag-guests ito ng dalawang episodes pagkatapos ng serye niyang Dream dad.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …