Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Asawa, anak 1 pa ini-hostage ng Chinese national (Hinataw ng dos por dos, binuhusan ng asido at tinutukan ng baril)

 

ARESTADO ang isang 39-anyos Chinese national makaraan hambalusin ng dos por dos, binuhusan ng muriatic acid, at tinutukan ng baril ang kanyang misis, kanilang anak at kaibigan nito, saka nagtangkang magpatiwakal sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Chang Hsu, ng Room 507 S Tower Condominium sa Abad Santos St., Tondo, Maynila.

Ayon sa ulat, nagtalo ang suspek at misis niyang si Nancy Hsu, 38, ng Room 506 sa nasabi ring condominium, dakong 7:30 p.m.

Nagkainitan ang dalawa sa nasabing pagtatalo hanggang hatawin ng dos por dos ng suspek ang ginang. Hindi pa nakontento at binuhusan ng muriatic acid pati ang kanilang anak na si Caamplied Rance Nicole Hsu, 18, at kaibigan na si Wimata Althea Han Uy. Pagkaraan ay tinutukan ng baril ang tatlo.

Ngunit nagulat sila nang biglang itutok ng suspek ang baril sa kanyang sarili.

Bago nakalabit ng suspek ang gatilyo ng baril ay dumating ang nagrespondeng mga pulis mula sa Moriones-Tondo Police Station, na natawagan na pala ni Nancy nang makatiyempo.

Nakompiska mula sa suspek ang caliber .45 pistol, ang isang bote ng asido at ang dos por dos.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa himpilan ng pulisya, at nahaharap sa kasong serious illegal detention at paglabag sa Violence Against Women and their Children.

ni RHEA FE G. PASUMBAL

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rhea Fe G. Pasumbal

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …