Dalawang buwan na po ang nakalilipas, bumili ang inyong lingkod ng Koppel airconditioning unit sa SM Appliances.
Mayroon po silang compulsory recommended installer — ang Hot System Aircon Services na may tanggapan diyan sa Maceda St., Sampaloc, Manila.
Kapag hindi kasi ang Hot System ang mag-i-install, mawawalan po ng bisa ang warranty.
(Paging DTI, mayroon palang ganito? Hindi ba malinaw na paglabag ‘yan sa Consumer Act? P’wede sigurong mag-provide talaga sila ng installer pero hindi naman dapat compulsory).
Anyway, dahil ‘yan ang umiiral, pinagbigyan natin. ‘Yung installer ang pinagkabit natin ng airconditioning unit sa halagang P9,500 — take note po, P9,500.
Heto na, noong gagamitin na ‘yung aircon, mainit ang lumalabas na hangin. Parang biglang naging blower.
Sonabagan!!!
Tumawag tayo sa Hot System, iniskedyul ang pagbalik nila within a week.
Bumalik, tiningnan at may leak daw sa tubo, makaraan ang ilang araw ay bumalik at inayos na raw, pero nang gagamitin ulit, mainit pa rin!
Anak ng tokwang trabaho ‘yan!
Tawag na naman tayo, para ireklamo ang gawa nila. Iskedyul na naman. Ang tagal ng iskedyul kasi mayroon daw mga naunang iskedyul.
Hayun, hanggang ngayon, magdadalawang buwan na ang nakararaan, hindi pa rin nagagamit ang air conditioning unit.
Ano ba ‘yan, SM Appliances?!
Bakit kayo kumukuha ng ganyang installer, SUPER PALPAK ang trabaho.
E kung ganyan nang ganyan ang serbisyo ng installer ninyo, tiyak wala nang bibili ng kahit anong appliances sa inyo!
What the fact!