Saturday , November 23 2024

Philhealth niraraket!

00 Bulabugin jerry yap jsyMALAKING krisis ang hinaharap ngayon ng PhilHealth matapos matuklasan na mukhang niraraket sila ng dalawang eye center.

Ayon mismo kay PhilHealth president Alexander Padilla, mayroong mga ahente ang dalawang eye center na naghahanap ng PhilHealth members saka pipiliting yayain sa nasabing eye center para magpa-check-up umano. Pagdating doon saka umano ida-diagnose na may cataract ang member ng PhilHealth at sasabihin na ooperahan kahit hindi naman kinakailangan.

Sinabi ito ni PhilHealth president Alex Padilla sa Senado kaugnay ng kanilang sariling imbestigasyon nang sila ay naraket ng P2-billion PhilHealth claims para sa cataract operations noong 2014.

What the fact!?

Sinuspendi na umano ni Padilla ang pagbabayad sa dalawang eye centers—Pacific Eye Institute and Quezon City Eye Center— na sinabing nakikipagsabwatan sa nasabing bigtime racket.

Mantakin ninyong P2 bilyones mula sa kontribusyon ng mga miyembro ng PhilHealth, ipinaraket lang sa dalawang eye center at napinsala pa ang mga pasyente na hindi naman dapat operahan.

Natuwa naman tayo dahil, pinaimbestigahan agad ni Padilla ang P2-bilyon reimbursement.

Pero palagay natin, hindi lang ‘yang eye center na ‘yan ang dapat imbestigahan.

Dapat din sigurong i-monitor ng PhilHealth ang mga reimbursement mula sa iba pang ospital lalo na ‘yung mga pribado.

Ang madalas kasing ireklamo ng mga pasyente ‘e ‘yung professional fee sa mga doktor. Mayroong counterpart ang PhilHealth pero napakaliit. Kaya ang malaking porsiyento ng professional fee ‘e sa bulsa pa ng pasyente kinukuha. Minsan nga, mas maliit pa ang hospital bill kaysa PF.

Ito ang dapat imbestigahan ng PhilHealth, ang sobra-sobrang pagpapataw ng professional fee ng mga doktor sa kanilang pasyente at bakit napakaliit ng kanilang counterpart.

Dapat maglabas ang Department of Health (DOH) at ang PhilHealth ng mga guidelines alinsunod sa batas kung magkano ang dapat singilin ng isang doktor para sa kanilang serbisyo.

Mukhang maraming doktor ang nakalilimot sa Hippocrates Oath.

Paging Health Secretary Janette Garin and PhilHealth president Alex Padilla!

Demonyong video karera ni Pidyong largado sa Maynila!

Namamayagpag ngayon ang mga makina ng video karera ng isang alyas PIDYONG-KABAYO sa iba’t ibang sulok sa lungsod ng Maynila.

Malakas daw ang ‘timbre’ ng mga personnel nitong si alyas Pidyong Yokaba t’wing nagko-coins out sa ilang mga eskinita sa loob ng BASECO compound, sakop ng MPD PS-5.

Nai-report na kaya ni Manila police station 5 bagman dobol R kay Kernel Barot ang VK operations na gaya nito!?

Sa A.O.R. naman ng INTRAMUROS PCP, malapit sa mga unibersidad ay nagkalat na rin ang mga video karera na may shabu den pa?!

Pati mga estudyante ay nabibisyo na nga raw diyan sa mga video karera!

Sonabagan!!!

Timbrado na rin ba ‘yan sa hepe ng Intramuros PCP, Kernel Barot?

Hanggang Sampaloc at Sta. Cruz ay may latag na rin ang mga video karera at tarima ng ‘bato’ ni Pidyong at ang ugong pa ay pulis pa ang nagpa-sistema?!

MPD DD Gen. Rolly Nana, wala pa bang Intel report sa inyo ukol sa mga video karera at shabuhan ni alias Pidyong kabayo?

Baka ho napag-iiwanan na kayo, Sir!

Madami nang yumaman mula sa divi vendors

Sir dapat po malaman ng Manilenyo ang kalakaran dto sa mga vendor ngayon, lahat ng dikit sa city hall e pinayaman sa mga vendor sa Divisoria. Ilan nang namuno riyan ay 3-5 buwan lang ay kumita na ng 3-5M. Sana hndi nabukulan amo nila. Kaya pala ‘yun pera na ibinibigay sa media ay parang galing daw sa palengke. Hehehe.

 +63918303 – – – –

Hinaing ng vendors sa Malate

KA JERRY, for info lang ho na hindi gaya rati e iba ngayon at sobrang talim ng kolektong sa MALATE PS9. Ultimo kakarampot na vendors e kinolektongan na at doble tara pa. Iba raw ang para sa tropa ni Bagman Boying at sa presinto. Sobra pahirap ho samin.sana mabasa ni mayor erap itong pahirap sa amin. Salamat po. ‘Tago n’yo numero ko. +63916772 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *