Thursday , December 26 2024

Caloocan Mayor Oca Malapitan kinilala ni SILG Mar Roxas sa mabuting pamamahala

00 Bulabugin jerry yap jsyWALANG partido Liberal o oposisyon kung pag-uusapan ang maayos na pamamahala sa lokal na pamahalaan.

Ito ang napatunayan ni Caloocan City Mayor Oca Malapitan nang gawaran siya ng Seal of Good Governance ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas.

Ibig sabihin, kahit na kilalang matikas na miyembro ng UNA si Mayor Oca Malapitan, hindi puwedeng balewalain ni Secretary Mar ang maayos na pamamahala niya sa Caloocan.

Isa kasi sa prayoridad ni Mayor Oca ang makapagbigay ng empleyo sa mga residente sa lungsod  na walang trabaho.

Ang pinakahuli ngang nabigyan ng trabaho ni Mayor Oca ay hindi bababa sa 682 residente sa inilunsad nilang Mega Job Fair nitong nakaraang Hunyo 16 (2015) sa Caloocan South at nitong Hunyo 24 (2015) sa Caloocan North.

Pero bago ito, nakapaglunsad na rin ng Mega Job Fair ang administrasyon ni Mayor Oca noong Pebrero at Abril 2015.

Bukod pa ‘yan  sa malilit na job fair na ginagawa tuwing People’s Day sa Caloocan South at Biyernes naman sa Caloocan North.

Hindi rin kukulangin sa 3,000 residente ang nakatakdang kapanayamin ng 86 kompanya na lumahok sa job fair sa Caloocan South at 73 kompanya naman sa Caloocan North.

At dahil one-stop-shop ang mega job fair, marami rin ang nakapag-apply para sa kanilang SSS, BIR, PhilHealth at iba pang requirements.

Ayon kay Mayor Oca, sisikapin niyang mabigyan ng trabaho ang mga residente sa lungsod upang makatulong na maiangat ang kanilang kabuhayan.

Job well done, Mayor Oca, congratulations! 

Jail ‘Hipo’ guard sa Manila City Jail (Paging: SILG Mar Roxas)

Nakatanggap tayo ng reklamo hinggil sa pang-aabuso diyan sa Manila City Jail (MCJ).

Mula nang magkapalitan ng mga opisyal sa MCJ ‘e sandamakmak na katarantaduhan at pang-aabuso ang ginagawa ng ilang Jail officer at Jail guard diyan!

Isang Jail Officer 1 PIREDA, naka-assign para mag-inspeksyon sa mga pumapasok at lumalabas na dalaw sa kulungan, na inireklamong sagad sa kabastusan at kaboglihan.

Masyado raw happy-happy itong si JO1 Pireda dahil ang bawat babae na dadalaw sa MCJ ay hindi hindi makalulusot sa malikot na kamay niya.

Hindi lang daw maboladas kundi ibang klase humagod ang kamay nitong si Prenda ‘este Pireda sa gamit at katawan ng mga babaeng dalaw.

Kapag may nakursunadahang bebot, pipilitin kunin ang cellphone number kapag pumalag ang pobreng dalaw, hihigpitan na sa pagpasok sa MCJ.

Sonabagan!

Kaya ang mga inmate sa MCJ, galit na galit sa kamayakan ng baboy na jailguard!

Alam na kaya ng Jail warden ang katarantaduhan ni JO1 Pireda!?

SILG Mar Roxas, paki-imbestigahan na rin ang info na may nagaganap daw na party-party all the way diyan na ang pasimuno ay ilang manyakol na Jail guards/officials!?

Bakit tinanggalan ng official function ang 2 Immigration Associate Commissioner?

Kamakailan lang ay naglabas ng Immigration Administrative Order No. SBM-2015-014 si Comm. Siegfred “reprimand” Mison, “Establishing BI Clusters and Defining the Duties and Functions of Technical Assistants.”

Kitang-kita sa nasabing order na hindi binigyan ng official functions ang Office of the Associate Commissioners.

Malinaw na inetsapwera ‘yung dalawang AssComm. ni Miswa este’ Mison.

Masyadong malaki ang sakop na trabaho na ibinigay para sa mga hao-shiao ‘este Technical Assistants (T/As) na pwede naman sana i-delegate sa office ng dalawang Associate Commissioners na sina Gilbert Repizo at Abdullah Mangotara.

Maliwanag na walanghiyaan ‘este pambabastos ito para sa dalawang Associate Commissioners!?

Abuse of discretion din daw ang ginawang ito ni Mison at hindi natin alam kung may blessing ito kay DOJ Sec. Leila De Lima.

What the fact!?

Very obvious na raw ang pamemersonal ni white hair!?

Ang balita pa natin, wala nang meeting ang Board of Commissioners (BOC) tuwing Wednesday or Thursday kaya halos lahat daw ng transactions na kailangan desisyonan ng BOC ay nakatengga lahat.

Aba bawal ‘yan, Comm. Mison!

Alalahanin mo na ang BOC ay isang collegial body na kinakailangan mag-function para sa mga official transactions ng Bureau that requires the approval of the Board.

Kung hindi mo isasali ang 2 Associate Commissioners, hindi magkakaroon ng check and balance.

Magiging bias lahat ang magiging decisions mo.

Bawal sa batas ‘yan! I’m sure alam mo ‘yan dahil abogado ka naman.

Sabi ng mga beteranong empleyado sa Immigration, halata raw na ang plano mo ay pagalawin ang mga T/A na sina Atty. Manuel Plaza at Paul Chuwawa ‘este Chua para maging madali para sa iyo ang lahat?

Bakit parang nagmamadali ka na? Dahil nasisilip mo bang, anytime darating na ang papalit sa trono mo Sir?

Calling the attention of Liberal Party!

Mga bossing, mukhang inaagrabyado at inaapi nitong si Mison ang dalawang miyembro ninyo.

I’m sure, hindi kayo papayag na ang isang katulad lang ni Mison ang gagawa nang ganito para sa dalawang kapartido ninyo!

Tarya ng vendor sa Soler outpost

SIR idol Jerry, reklamo lang namin dito sa DIVISORIA RECTO-SOLER sir TULOY-TULOY n nman ang TARYA sa amin direkta para sa SOLER OUTPOST sir. Pero hindi kami pinaglalatag ng paninda at minumura pa kami sir. hindi naman kami makamura o menos sa pagbbgay ng tarya at lagay, sana malaman ito ni ERAP na BATIK at LATAY sa kanyang KANDIDATURA sa 2016 sir. +63918249 – – – –

Video karera ‘timbrado’ sa Lupang Pangako Payatas B QC (Attn: QCPD Gen. Joel Pagdilao)

MAGANDANG araw po. Idudulog ko lang po ang video karera sa Lupang Pangako Payatas B, Quezon City. Mahigit isang dekada na itong nag-ooperate. Kataka-takang hindi ito alam ng barangay namin sapagkat ang video karera na ito ay halos katapat lang ng barangay hall at may ilang barangay officials na naglalaro dito. Ang nag-ooperate ng video karera na ito ay si Roberto Lepura alyas Inday (nasa baba ang kanyang picture). Alam niya rin ho kung saan pa nakatago ang iba pang video karera sa lugar nila. Halatang protektado itong video karera ng mga nakatataas. Salamat ho.

j—h—[email protected]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *