Thursday , December 26 2024

Mayor Edwin Olivarez nanawagan sa SOMCO-SMC para sa mabilis na konstruksiyon ng skyway sa NAIA

00 Bulabugin jerry yap jsyNANAWAGAN si Parañaque City Mayor Edwin Olivarez sa kompanyang nangangasiwa sa konstruksiyon ng Phase 1 ng Skyway Stage 3 at Phase 2 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Expressway para sa mabilis na konstruksiyon ng nasabing proyekto dahil labis na naaapektohan ang mga residente lalo na ‘yung mga nagtatrabaho at mag-aaral sa kanilang lungsod.

Ayon kay Mayor Olivarez, hindi niya pwedeng balewalain ang tumitinding reklamo sa masikip at mabagal na daloy ng sasakyan sa kanilang area sanhi ng konstruksiyon ng dalawang proyekto kaya nanawagan siya sa Skyway O & M Corp., (SOMCO), ang construction arm ng San Miguel Corporation (SMC).

Aniya, “Nais kong ipaalala sa mga contractor particular na sa SMC na may deadline silang dapat sundin para tapusin ang mga proyekto at sana ay sundin nila ito nang hindi naman nasasakripisyo ang kalidad ng trabaho para maibsan na rin ang problema sa trapiko.”

Isa sa mga labis na naapektohan ang mga mag-aaral sa isang paaralang elementary sa kanto ng Tambo at NAIA Road.

Grabe ang pagtitiis ngayon ng mga batang mag-aaral dito sa alikabok at ingay mula sa konstruksiyon ng nasabing proyekto.

Inasahan kasi ng mga taga-Parañaque na tapos na ang nasabing proyekto nitong Hunyo 30 (2015) batay sa pangako ni SOMCO President Manuel Bonoan noong Abril 2014 nang simulan ito.

Ang Phase 1 ng Skyway extension project ay kinabibilangan ng mga exit sa road alignment ng Buendia, Makati at Quirino Ave., hanggang Plaza Dilao sa Paco, Maynila.

Habang ang Skyway Stage 3 project naman na nagkakahalaga ng P26.7 bilyones na may habang 14.8 kilometro (six-lane elevated expressway) ay mag-uugnay sa dulo ng Skyway hanggang Balintawak Quezon, City.

Ang nasabing impraestruktura rin ang mag-uugnay sa South Luzon Expressway (SLEx) at North Luzon Expressway (NLEx) na pinaniniwalaang magpapaluwag ng trapiko ng mga sasakyan sa Metro Manila hanggang sa dalawang expressways.

Anyway, klaro naman ang panawagan ni Mayor Olivarez, BEAT THE DEADLINE, SOMCO President Manuel Bonoan, nang sa gayon ay hindi mahirapan ang mamamayan at hindi madagdagan ang gastos ng gobyerno.

Mantakin ninyong P26.7 bilyones ‘yan, pero tila bumabagal pa ang konstruksiyon?! 

Kailan ba talaga matatapos ‘yan Mr. Bonoan?!

Pakisagot na nga po!

Dahil sa ‘illogical rotation’ sa hanay ng Immigration employees & officials, airport passengers ‘di nakahabol sa flights

KASAKLAP naman pala ang inabot ng may 29 pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Walong (8) Immigration officers lang kasi ang naka-duty sa departure area, at sa haba ng pila ay naiwanan ng kanilang flights ang 29 pasahero.

Ang 29 pasahero ay patungong Hong Kong at Singapore.

Anak ng tokwa!!!

Ayon sa ilang pasahero na nainterbyu, inabot ng isang oras mahigit bago sila nakarating sa Immigration counter dahil sa haba ng pila ng mga pasahero.

Ayon sa mga beteranong Immigration officers sa NAIA, ‘yan daw ang epekto ng ‘illogical’ na nationwide rotation ni Immigration Commissioner Siegfred Mison.

Sa hindi maintindihang sistema ng kanilang Commissioner, marami umano sa kanilang kasamahan ang ipinadala sa ibang airport o subports na hindi naman kailangan na sandamakmak sila roon dahil konti lang naman ang mga pasahero.

Imbes sa NAIA terminals 1, 2 & 3, magtalaga ng maraming Immigration officers na eksperto sa kanilang kasanayan, e doon ipinadala sa malalayong airport & subports na wala naman gaanong pasahero.

Ang siste pa ngayon, sinisisi pa ng nagmamagaling na Immigration spokesperson na si Atty. Elaine Tan ang mga pasahero.

What the fact!?

Siguro raw ‘e umupo-upo at tumambay-tambay pa muna ang mga pasahero at hindi agad dumiretso sa Immigration counter kaya daw biglang humaba ang pila?!

SONABAGAN!

Pasahero pa ang may kasalanan?!

Nag-apology naman daw si Atty. Elaine sa mga pasaherong naiwan ng flight nila. Pero ganoon na lang ba ‘yun?!

Paano ‘yung ginastos nila para sa tiket?

Goodbye na lang?!

Aba ‘e ang dapat yatang mag-goodbye ‘e ‘yung commissioner na mukhang hindi iniisip kung ano ang implikasyon ng pinaggagawa niyang rotation.

Hindi na tayo magtataka kung dumami pa ang insidenteng gaya ng pagkakaiwan ng 29 pasahero sa kanilang Cebu Pacific flights to Hong Kong & Singapore.

Hindi ba, Atty. Elaine Tan?!         

No plate & recovered vehicle gamit ng pulis Guagua (Attention: SILG Mar Roxas)

BULABUGIN photo

SIR JERRY, ito ang TOYOTA COROLLA COLOR WHITE na pag-aari SPO2 JIMMY SANTOS na nakuhaan ng picture (ngayong) umaga 9:45 June 29, 2015, araw ng Lunes, sa tapat ng GUAGUA PNP STATION na WALANG PLAKA  o PLATE NUMBER. At ito namang RED TOYOTA INNOVA na kanyang minamaneho June 23, 2015, 5:30 ng hapon humigit kumulang, sa Brgy. San Juan Bautista, Betis, Guagua na nakunan ng picture sa tapat ng Guagua PNP Station na walang plaka o plate number sa harap at likod. Napag-alaman ko rin na ang nasabing red innova ay isang ebidensyang nagamit sa krimen. Ayon sa mga nakausap namin, si SPO2 Jimmy Santos ay malakas sa isang police official. Sa kinauukulan, ano ang parusang naayon sa batas na dapat ipataw kay SPO2 Jimmy Santos sa paggamit ng ebidensyang nagamit sa krimen at paggamit din sa kanyang sasakyang walang plate number? Umaksyon po kayo! Huwag gawing inutil ang daang matuwid! e———[email protected]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *