Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gabay ng Seniors at GracePoe 2016 nagbuklod sa TakboPoe

Nagkaisa ang mga lider ng GracePoe 2016 Movement at Gabay ng Seniors sa panawagang tumakbo sa darating na May 2016 Presidential Election si Senador Grace Poe sa paniniwala na magiging mabuting pinuno ito ng bansa.

“Kaming mga Senior Citizen ay nananalig sa malinis at walang kulay na prinsipyo ni Sen. Poe kaya nananawagan kami sa lahat na isulong ang Takbo Poe!” ani Wainwright Rivera, pangulo ng Gabay ng Seniors.

Sinabi naman ni GP2016 Founder Bobby Reyes na natutuwa silang makipagkaisa sa Senior Citizens para sa panawagang TakboPoe.

“Sila ang magiging pundasyon ng aming samahan dahil hindi lang sila marami kundi may hinog nang kaisipan para sa kaunlaran  ng ating bayan,” diin ni Reyes.

Nangako sina Rivera, Reyes at tanyag na negosyanteng si Ed Manuel ng business sector na paiigtingin nila ang kampanya para sa TakboPoe upang matiyak na mananalo si Sen. Poe na may malinis na integridad at hangarin para sa ating bansa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …