Sunday , December 22 2024

Babala ng Palasyo: Mag-ingat sa pekeng bigas

HINIMOK ng Malacañang ang publiko na maging maingat sa pagbili ng bigas at tangkilikin lamang ang mga tindahan na awtorisado ng National Food Authority (NFA) para hindi mabiktima ng pekeng bigas.

“Nananawagan po tayo sa mga mamamayan na maging maingat at bumili lamang ng bigas mula sa mga accredited at reliable na nagbebenta nito, ‘yun po talagang authorized rice dealers o mga tindahan ng bigas na mayroong pahintulot mula sa NFA (National Food Authority) at sa mga awtoridad,” ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr.

Nitong nakaraang Biyernes, inutusan na aniya ni Pangulong Benigno Aquino III sina Justice Secretary Leila de Lima at Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na siyasatin kung saan nanggagaling ang fake o synthetic rice na napansin o natagpuan na sa ilang pamilihang bayan.

Maging si Presidential Assistant for Food Security and Agricultural Modernization Secretary Francis Pangi-linan ay sinisiyasat na rin ang bagay na ito, ani Coloma.

Nagsasagawa na ang Food Development Center ng NFA ng mga laboratory test ng mga sample na naisumite sa kanila at ipalalabas ang resulta nito sa lalong madaling panahon.

Ang pekeng bigas ay gawa sa pinaghalong kamote, bigas at synthetic polymer na kapag nakain ay mapanganib sa kalusugan.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *