Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Army special forces ex-member tiklo sa droga, granada

ZAMBOANGA CITY- Swak sa selda ang isang dating kasapi ng Army Special Forces makaraan mahulihan ng hinihinalang shabu at granada sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Tugbungan sa Zamboanga City kamakalawa.

Kinilala ng Zamboanga City police station 6 ang suspek na si Mark Joseph Bolivar Batallones, 27-anyos.

Nabatid na na-AWOL sa kanyang serbisyo ang suspek nitong nakaraang taon habang naka-assign sa 5th Special Forces Battalion sa Pikit, North Cotabato.

Ang pag-aresto sa suspek ay sa pamamagitan ng search warrant na inilabas ng korte nitong Hunyo 23.

 Dalawang pakete ng hinihinalang shabu ang nakuha ng mga pulis sa loob ng bahay ng suspek, gayondin ang drug paraphernalia at isang MK-II Fragmentation grenade.

Pinabulaan ng dating sundalo ang paratang sa kanyang ng mga awtoridad ngunit ayon sa record ng pulisya, matagal na nilang minamanmanan ang suspek dahil sa ilegal na transakyon sa ipinagbabawal na gamot sa lugar.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …