Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Abaya bakit ‘di kasama sa kinasuhan sa MRT deal? (Tanong ni Sen. Grace Poe)

KINUWESTIYON ni Senador Grace Poe ang hindi pagkakasama ni Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya sa mga pinakakasuhan ng Ombudsman kaugnay ng anomalya sa Metro Rail Transit (MRT).

Nahaharap sina dating general manager Al Vitangcol III at limang iba pa dahil sa pinasok na maintenance contract ng MRT-3.

Iginiit ng Ombudsman, ginamit ni Vitangcol ang kanyang posisyon para maipagkaloob ang kontrata ng maintenance sa PH Trams-CB&T joint venture na konektado ang kanyang uncle-in-law.

Inihayag ni Poe, pinuno ng Senate Committee on Public Services, pag-aaralan niya ang resolusyon ng Ombudsman para matukoy kung bakit hindi kabilang dito si Abaya gayong nilagdaan niya ang maanomalyang maintenance contract.

Nilinaw ng senador, iginagalang niya ang findings ng Ombudsman at pabor siya sa paghahabla kay Vitangcol at sa limang incorporators ng Philippine Trans Rail Management and Services Corp.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …