Saturday , December 21 2024

3 PH branches nagkaisa kontra China

KOMPIYANSA ang Palasyo sa kaso ng Filipinas laban sa China, sa pagsasanib ng tatlong sangay ng gobyerno kasama ang government lawyers para ipaglaban ang soberanya ng bansa sa South China Sea (West Philippine Sea)

Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ang mga kinatawan mula sa ehekutibo, lehislatibo, at hudikatura ay magsasama-sama para suportahan ang kaso ng bansa sa United Nations arbitral tribunal, na sisimulan ang pagdinig sa argumento ng Filipinas mula Hulyo 7 hanggang Hulyo 13.

Ang delegasyon ay tutungo sa The Hague, Netherlands upang obserbahan ang oral arguments, na unang tatalakay sa hurisdiksiyon ng arbitral tribunal na hahawak sa kaso.

Ang mga kinatawan ng executive branch ay sina Executive Secretary Paquito Ochoa, Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, Justice Secretary Leila de Lima, Defense Secretary Voltaire Gazmin, Undersecretary for Security Cluster Emmanuel Bautista, at Deputy Spokesperson Abigail Valte.

Sa lehislatibo ay sina Senate President Franklin Drilon at House Speaker Feliciano Belmonte, Jr.

Habang sa hudikatura ay mangunguna sina Supreme Court Justices Antonio Carpio at Francis Jardeleza.

Si Solicitor General Florin Hilbay ang kakatawan sa bansa para sa kaso, kasama si lawyer Paul Reichler mula sa US firm Foley Hoag.

“Nagkakaisa ang tatlong sangay ng pamahalaan—ehekutibo, lehislatura, at hudikatura—sa pagpapakita ng kongkretong pagsuporta sa posisyon ng Republika hinggil sa West Philippine Sea. Pormal na bubuksan sa The Hague, Netherlands ang pagdinig ng permanent court of arbitration sa petisyong inihain ng Filipinas upang maresolba ang mga maritime entitlement issues na sakop ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS),” pahayag ni Coloma.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *