Sunday , December 22 2024

2 dummy ni Binay mahuhuli rin – Palasyo

KOMPIYANSA ang Palasyo na madarakip ng awtoridad ang sinasabing mga “dummy’ ni Vice President Jejomar Binay na sina Gerry Limlingan at Ebeng Baloloy.

Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., lahat ng hakbang para maipatupad ang pag-aresto kina Limlingan at Baloloy ay alinsunod sa kautusan ng Senado makaraan mabigong dumalo sa mga pagdinig kaugnay sa sinasabing mga anomalya ni Binay.

“Lahat po ng hakbang na kinakailangan ay isasagawa ng pamahalaan para ma-enforce po ang proseso ng batas, kasama na nga po diyan ‘yung sa proceedings ng Senado at ‘yung pagpapasya nila hinggil sa contempt. Kasama po ‘yan sa proseso ng mga batas na ating ipinapatupad,” ani Coloma.

Ang law enforcement agencies aniya tulad ng National Bureau of Investigation (NBI) ay tumutulong sa sergeant-at-arms  ng Senado na si Jose Balajadia para maipatupad ang arrest warrant laban kina Limlingan at Baloloy.

Inihayag din aniya ni Justice Secretary Leila de Lima na hihilingin din ng pamahalaan ang tulong ng International Police Organization (Interpol) para matunton ang dalawa o hilingin sa Department of Foreign Affairs na kanselahin ang kanilang mga pasaporte.

Naunang napaulat na nakalabas na ng bansa sina Limlingan at Baloloy ngunit walang record ng kanilang pag-alis ang Bureau of Immigration kaya’t ipinahiwatig ni De Lima na posibleng sumakay sa chartered flight ang dalawa.

Kamakailan, naglabas ng freeze order ang Court of Appeals laban sa 242 bank accounts at investments ng pamilya  Binay at kanyang “dummies” na nagkakahalaga ng P600-M, batay sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) report, at kasama rito ang mga nakapangalan kina Limlingan at Baloloy.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *