Monday , December 23 2024

Inaway ni misis mister nagbigti (Pamilya ipinasundo muna)

030715 bigtiNAGA CITY – Natagpuang nakabigti ang isang 31-anyos lalaki sa Brgy. Ilog, Infanta, Quezon kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Irwin Lutado, 31-anyos.

Ayon sa ulat, hindi inaasahan ng ama na seryoso pala ang akalang biro ng kanyang anak na magpapakamatay.

Nabatid na ipinasundo ng biktima ang kanyang ina at asawa sa kanyang ama dahil malapit na raw siyang mamatay.

Sa pag-aakalang biro lamang ang sinabi ng anak ay inayunan ng ama ang sinabi ng biktima ngunit nang ma-kabalik sa bahay ay wala na si Irwin.

Isang kabarangay nila ang nakakita sa katawan ng biktima habang  nakabigti sa puno ng santol. Nabatid na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang biktima at ang misis na sinasabing dahilan ng kanyang pagpapakamatay.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *