Friday , March 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Amang suspek sa rape-slay sa anak, timbog

082714 police line crimeMAKARAAN ang pitong taon pagtatago, nadakip kamakalawa ng mga pulis ang isang 34-anyos jeepney driver na responsable sa paghalay at pagpatay sa sariling anak kamakailan sa Daet, Camarines Norte.

Kinilala ang suspek na si Gordon Bermillo, 34, alyas Boboy, tubong Camarines Norte, at nakatira sa San Gregorio, Moonwalk, Las Piñas City. 

Pasado  2 p.m.  nang  arestohin si Bermillo nang pinagsanib na puwersa ng pulisya sa pamumuno ni Chief Insp. Giovanni Martinez, nakatalaga sa Task Force Tugis, Camp Crame, Quezon City.

Base ito sa bisa ng standing warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Arniel Dating, ng Daet, Camarines Norte, Regional Trial Court, Branch 41, sa akusadong si Bermillo sa kasong rape with homicide.   

Ayon kay Chief Insp. Martinez, pinagsamantalahan muna ni Bermillo ang babaeng anak saka pinatay sa kanilang probinsiya noong 2007.

Makaraan ang krimen, tumakas si Bermillo at naghanapbuhay bilang jeepney driver sa Muntinlupa City.

Bago naaresto, nitong Abril 9 habang nagmamaneho ng jeep (DET-523) ay nasangkot siya sa traffic accident sa West Service Road, Sucat, Muntinlupa na ikinamatay ni Shirly Rabusa, 56-anyos.

Pasakay ng jeep ang biktima nang banggain ang nasabing sasakyan ng Honda Civic (WDD-541) na minamaneho  ni Jose Emmanuel Ranola, 24, kaya’t naipit ng kotse ang katawan ng biktima. 

Dinala sa opisina ng traffic unit ng Muntinlupa Police ang dalawang driver para imbestigahan kung sino ang may kasalanan sa insidente.

Napanood sa telebisyon ng ilang kaanak habang iniinterbyu si Bermillo kaugnay sa insidente at nakilala. Bunsod nito, agad ipinabatid sa pulisya sa Camarines Norte at kinontak si Chief Insp. Martinez ng Task Force Tugis, na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek sa opisina ng traffic unit kamakalawa sa Alabang, Muntinlupa.

Manny Alcala  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sara Duterte

“Sufficient in substance” idineklara sa 2 impeachment complaint vs Sara

ni Gerry Baldo IDINEKLARA ng House Committee on Justice na ang natitirang dalawang impeachment complaint …

Matias B Salvador Elementary School sa bulacan ninakawan

Eskuwelahan nilooban ng tatlong kawatan

HINDI pinatawad ng tatlong lalaking kawatan ang isang eskuwelahan sa Pandi, Bulacan nang kanila itong …

Brian Poe

Rep. Brian Poe: “Sa pagtaas ng presyo ng langis, kailangan ng agarang ginhawa para sa mga Filipino”

MANILA — Nagpahayag si Congressman Brian Poe ng kahandaan na suportahan ang pagbibigay ng limitadong …

Taguig NCCA Vista mall

Arts Festival 2026 inilunsad ng Taguig LGU sa Vista Mall

OPISYAL na binuksan ang Taguig Arts Festival 2026 nitong nakaraang Sabado, 28 Pebrero, sa pamamagitan …

Stella Quimbo Money Maleta

Idiniin ng 2 Ex-Marines
Ex-solon tumanggap ng male-maletang pera

KINOMPIRMA ng dalawang dating Marines ang nauna nilang pahayag na naghatid sila ng mga maleta …