Monday , December 23 2024

2 CA justice tinukoy ni Trillanes (‘Sinuhulan’ ng mga Binay)  

111014 binay trillanesPINANGALANAN ni Sen. Sonny Trillanes nitong Lunes ang dalawang Court of Appeals (CA) justice na sinasabing sinuhulan ng mga Binay upang makakuha ng temporary restraining order (TRO).

Batay sa apat pahinang Senate Resolution No. 1265 na inihain ni Trillanes, pinaiimbestigahan niya sa Committee on Justice and Human Rights ang sinasabing “justice for sale” sa hudikatura partikular ang pagtanggap ng suhol nina Associate Justices Jose Reyes Jr. at Francisco Acosta.

Sinasabing tig-P25 milyon ang tinanggap ng dalawa kapalit ng TRO at writ of preliminary injunction sa suspension order ni Makati Mayor Junjun Binay.

Ayon aniya sa kanyang mapagkakatiwalaang sources, nag-facilitate sa pag-uusap sa pagitan nina Binay at ng dalawang associate justices ang isang Atty. Pancho Villaraza.

Matatandaan, sa kabila ng pag-isyu ng Office of the Ombudsman ng suspension order ay pinigil ng CA ang kautusan.

Dahilan ito para mawalan ng Vice Mayor ang Makati bunsod ng pag-aktong alkalde ni Vice Mayor Kid Peña bilang pagsunod sa kautusan ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Niño Aclan

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *