Kinalap ni Tracy Cabrera
MAY bagong bayani ang Pilipinas.
Kung ililinga ang panangin sa Sta. Cruz, Laguna, matatanaw si Caleb Stuart.
Sa paglahok sa pandaigdigang entablado sa kauna-unahang pagkakataon, inaagaw ni Stuart ang dalawang gintong medalya sa shot put at hammer throw—at ginawa niya ito nang walang kahirap-hirap.
Ang kanyang paghagis sa hammer throw—na kanyang pet event—ay nagtala ng 64.81 metro. Para sa mga Pinoy, ito’y matibay na pagtatanghal dahil ang dating record bago dumating si Stuart ay 61.69 metro lamang na naitala ni Arnel Ferrera. Ngunit para sa dating University of California-Ri-verside standout, minani niya lang ito.
Isang linggo bago rito, pumasok si Stuart, nga-yon isang passport holder na, sa Philippine athle-tics na parang bag-yo. Armado ng bagong coach at panibagong pag-pupunyagi, dinurog niya ang dating record ng kanyang 68.66m performance hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa Southeast Asia. Kabilang sa mga record na nabura ang sarili niyang personal best na 67.24, ang 62.34 na kasalukuyang SEAG record ni Tantiphong Petchaiya ng Thailand at ang 61.69 ni Ferrera.
Idinagdag ni Stuart ang ginto sa discus throw, para hiranging nag-iisang triple gold medal winner sa elite division sa pagtatapos ng National Open-Invitational Athletics Championships sa Laguna Sports Complex. Sa edad na 24-anyos, madali ni-yang naihagis ang discus para sa ginto sa layong 48.17m, para talunin sina Joel Santamina ng Team Rio at John Albert Mantua ng Jose Rizal, na nagrehistro ng 40.87m at 39.10m para sa medalyang pilak at tanso.
Ito ang ikatlong ginto para sa 6-2, 250-pound Stuart matapos burahin ang kanyang mga katunggali sa shot put at hammer throw sa inagurasyon ng taunang event na magsisilbing ticket para sa national team na lalahok sa ika-28 Southeast Asian Games sa Hunyo 5 hanggang 19 sa Singapore.