MARAMING karerista ang nagtatanong kung sino raw ang nasusunod kapag BIYAHE o PERDER ang isang kabayo? Ang HORSE OWNER ba, ang HORSE TRAINER ba o ang HINETE nito?
Ano ang palagay ninyo mga Chokaron? Hindi ba ang hinete na may sakay o nagrerenda sa kabayo sa mga aktuwal na karera dahil nasa kamay niya ang ikatatalo o ikapapanalo ng kabayo kung gusto niya.
Kahit utusan pa ng horse owner o horse trainer na biyahe ang kanilang kabayo ay hindi ito nasusunod ng isang hinete dahil sa tinatawag nilang “BIYAHENG NANALO.”
Ang sabi ng isang mananaya, ang mga ilang horse owner daw ay kasama sa mga sindikato na nagmamaneobra ng karera dito sa ating bansa. Ang mga gambling lord na nagpapatakbo ng illegal na bookies ng karera ng kabayo ang unang sumisira sa magandang takbo ng karera.
Pabor sa mga gambling lord kung laging dehadong kabayo nanalo sa bawa’t race na binibitawan. Kung puro liyamado ang nananlo ay lagi silang “TULAK” o TALO dahil karamihan sa mananaya ay sa liyamado tumataya.
Pag-aralan ninyo mga Chokaron ko ang kinikilos ng mga paborito ninyong hinete sa oras ng PARADA ng mga kabayo. Minsan ay nagbibigay ito ng “SENYAS” kung labas o biyahe ang kanyang sakay.
Ang mga hinete ang dapat ninyong bigyan ng PANSIN mga Chokaran ko dahil sila ang lagi ninyong napapanood o nakikita sa oras ng karera hindi ang horse owner o horse trainer.
***
ASTIG NA HEPE NG DPS
Matagal ng nirereklamo ng mga vendors ng Maynila ang isang mataas na opisyal ng DPS.
Hindi matinag-tinag at Super bagyo na si Borromeo bilang pinuno ng DPS ng Manila City Hall dahil palaging pinagyayabang nito na naghahatag o nagbibigay ng TARA kay Mayor Erap ng kalahating milyong Piso kada linggo.
Pinadadaan umano ang TARA sa isang SERAPIO ng Manila City Hall .
Ano ba yan, Mayor kawawa ang mga kakabayan nating mga VENDORS kung ganyan ang namumuno sa tanggapan ninyo na pahirap sa mga nagtatrabaho ng marangal.
TOTOO BA ITO MAYOR?
***
Isang nagbabalik ng horse owner ang nanalo agad sa nabili niyang kabayo sa karerahan ng Santa Ana Park noong Marso 5, 2015.
Allan Mababangloob ang pangalan ng may-ari ng kabayong MAYBE THIS TIME na nirendahan ni jockey C.P. Henson na maganda ang pinakitang panalo.
Dehado ito sa betting at nagbigay ng magandang dibidendo sa mga exotics bets.
Sana ganito ang mga ilang horse owner na hindi nagbibiyahe ng kanilang kabayo kung talagang may panalo sa sinalihang karera.
CONGRATS SIR ALLAN M.!
ni FREDDIE M. MANALAC