Monday , December 23 2024

 ‘149 na wika sa Filipinas buhay!’ – KWF

 KWFISANDAAN at apatnapu’t siyam na wika ang naidokumento ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa pag-update nito ng listahan ng mga buhay na katutubong wika sa Filipinas.

Ayon kay Dr. Sheilee Boras-Vega, puno ng Sangay ng Salita at Gramatika ng KWF, ang naging batayan ng listahan ay resulta ng mga field work ng ahensiya at iba pang naunang hiwalay na mga saliksik. Gayunpaman, 33 sa 149 wika ang kasalukuyang ginagawan ng balidasyon ng ahensiya upang lubos na matiyak na wika ang mga ito at hindi lamang baryasyon ng malalaking wika.

Ang pinal na bilang ng mga wika ay ipa-plot sa mapa ng wika at gagawing digitized. Ang Linguistic Atlas ay maglalaman ng mahahalagang impormasyon tungkol sa bawat wika gaya ng deskripsiyon, mga baryasyon, at distribusyon ng mga wika sa rehiyon at sa buong bansa. Mayroon din mga voice sample ang bawat wika. Sapagkat digitized, mas madali na itong i-update, ilagay sa web, at gamitin sa paghahambing ng mga datos na maaaring sanggunian para sa mga pananaliksik at pag-aaral na pangwika.

Sa pagsasagawa ng proyektong ito, nakipag-ugnayan ang KWF sa National Commission on Indigenous People (NCIP) at National Statistics Office (NSO) o Philippine Statistics Authority (PSA) upang matiyak ang katumpakan ng mga lugar ng mga katutubo, pangalan ng lugar at bilang ng tagapagsalita.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *