Sunday , December 22 2024

Shabu lab sa Masbate supplier din sa Luzon

100814 shabu drugsLEGAZPI CITY – Pinaniniwalaang hindi lamang mga lugar sa Bicol region ang sinusuplayan ng shabu laboratory na ni-raid ng pinagsanib na puwersa ng Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (AIDSOTF) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Masbate.

Ayon kay Major Roque Merdejia, tagapagsalita ng joint operation, base sa volume ng mga narekober na kagamitan sa loob ng laboratoryo, posibleng malakihang operasyon ang isinasagawa sa lugar na maaaring konektado sa iba pang mga transaksyon ng droga sa iba’t ibang panig ng bansa.

Kung maaalala, kabilang sa mga naaresto sina dating San Fernando Mayor Cherry Boy Abapo, Jr., aka Cherry Boy Jr.; incumbent Brgy. Chairman Lester Seminiano Abapo aka Lester, ng Brgy. F. Magallanes; 2nd Dist Board Member Lovely Seminiano Abapo aka Jane Doe; 2nd District employee Fernando Seminiamo Bravante aka Kalbo; Anton Dela Cruz Abella aka Payat, house boy; Isagani Arnel Vasquez Irenea aka Manoy Boy; at isang pulis na si PO1 Aaron Vedarozaga Abapo aka Sarge, kasalukuyang nakatalaga sa Masbate Provincial Public Safety Company (PPSC).

Sila ay nahuli sa dalawang target area sa bahagi ng Sitio Cagba, Brgy. Tugbo, at compound ng Secret Garden Resort sa bahagi ng Nursery Road, Lungsod ng Masbate.

Tiniyak ni Merdejia, maisasailalim sa inquest proceeding ang mga suspek bago mag-lapse ang 36 hours at kasunod nito ay inaasahang maisasampa ang kaukulang kasong paglabag sa Section 8 ng R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act dahil sa pag-manufacture ng droga.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *