Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Recall election laban sa Puerto Princesa mayor kinuwestiyon sa SC

mayor bayronISANG petisyon ang isinampa sa Supreme Court na humihiling ng temporary restraining order o writ of preliminary injunction laban sa recall election bid kay Puerto Princesa Mayor Lucilo Bayron.

Ayon sa petisyon, labis na umabuso sa poder ang Commission on Elections (Comelec) nang aprubahan ang petisyon para sa recall election kahit marami itong depekto.

“Bahagi ang recall elections ng ating demokratikong karanasan pero ito ay maaaring doble talim. Kapag ginamit nang wasto, magtataguyod ito ng kabutihan sa nakararami,” ani Atty. Teddy Rigoroso. “Kapag ginamit nang mali, magreresulta ito sa mas malaking kasamaan. ‘Yung recall election petition kay Mayor Bayron ay nasa masamang kategorya.”

Ayon kay Rigoroso, umabuso ang Comelec nang aprubahan ang recall election kahit prematurely filed ang petisyon at nabigong magkaroon ng independent assessment at evaluation kung sapat ba ang recall election sa pagtanggap kaagad sa findings ng election officer.

“Bakit inaprubahan kaagad ang recall election gayong nagrereklamo ang mga nagsilagda sa signature sheets na ginoyo sila at hindi ipinabatid sa kanila na petisyon iyon para i-recall si Mayor Bayron,” diin ni Rigoroso. “Nabigo rin ang Comelec sa tamang rule na ang required percentage ng mga nagsilagda sa recall petition ay dapat nakabase sa registered voters at hindi sa bilang ng voting population.”   

Noong Marso 17, 2014, isang Alroben Goh ang nagsampa ng recall petition laban kay Bayron sa election officer ng Puerto Princesa City sa simpleng kawalang tiwala sa alkalde. Hinihinalang maniobra ito ng mga Hagedorn na nagwakas ang mahigit 20 taong liderato sa lungsod.

HNT

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …