Sunday , December 22 2024

‘Wag magtago sa Executive Privilege — Solon (Hamon kay PNoy)

021415 PNoy malacanan

HINAMON ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na huwag magtago sa likod ng executive privilege at ihayag sa Kongreso at sa mamamayan ang buong katotohanan kaugnay sa Mamasapano incident.

Ayon sa mambabatas, mas makabubuti para kay Aquino na dumalo sa pagdinig ng Kongreso ukol sa pangyayari at akuin ang responsibilidad sa nangyaring malagim na operasyon ng PNP-SAF.

Kahit na lumalabas na fall guys sina Gen. Getulio Napeñas at Gen. Alan Purisima, lumilitaw sa mga ebidensiya ang pananagutan ng presidente.

Paniwala ni Colmenares, si Purisima ang nag-uulat at nagbibigay ng update sa Pangulo dahil siya ang binigyang awtorisasyon para mangasiwa sa “Oplan Exodus.”

Bintang ng opisyal, hindi malayong alam ni Aquino ang nagaganap na sagupaan noong umaga ng Enero 25 ngunit hindi siya umaksyon o gumawa ng paraan para pigilan ang insidente.

Isa sa mga ebidensyang may kinalaman nga ang Pangulo sa operasyon ay noong iniulat sa kanya noong Linggo ng umaga kung ano na ang sinapit ni Marwan.

(JETHRO SINOCRUZ)

‘DI PAG-UUTOS NI PNOY NG REINFORCEMENT ITINANGGI NG PALASYO

KINONTRA ng Malacañang ang naglalabasang paratang na maging si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ay wala ring ginawa para mabigyan ng military reinforcement ang napalabang PNP-Special Action Force sa Mamasapano, Maguindanao.

Una nang inamin ni Pangulong Aquino na umaga pa lamang niya nalamang binabakbakan na ng MILF ang SAF troopers na nakapatay kay Marwan.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, iwasang gumawa ng mga kongklusyon mula sa mga naririnig na testimonya dahil hindi pa nabubuo ang larawan.

Ayon kay Coloma, hayaang tapusin muna ang mga imbestigasyon para malaman sa tamang konteksto ang mga naglalabasang pahayag.

Magugunitang inabot ng hapon noong Enero 25 nang magawang makapagpaputok ng white phosporous na siyang guide sa artillery fires ng militar kahit maagang nasabihan ang Pangulong Aquino na nataong nasa Zamboanga City pa.

“Wala naman tayong kinokontra doon sa mga naipahayag na at nasaksihan na at narinig na ng mga mamamayan. Ang atin lang pinag-uusapan dito ay ‘yung paggawa natin ng mga kongklusyon batay doon sa mga narinig nating mga testimonya at ‘yon lang ang ating binibigyan ng suhestiyon na baka hindi pa napapanahon na gumawa ng mga ganyang kongklusyon,” ani Coloma.

Giit ng Palasyo

‘ORAS’ SA MAMASAPANO INCIDENT ‘DI DAPAT PAGTALUNAN

HINDI dapat pagtalunan ang isyu kung anong oras nalaman at sino ang nagsabi kay Pangulong Benigno Aquino III ng Mamasapano incident dahil noon pang Pebrero 6 ay inako na niya ang responsibilidad dito.

Ito ang inihayag kahapon ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. nang ukilkilin ng media hinggil sa kalituhang idinulot ng magkakaibang pahayag ng Pangulo at mga opisyal ng gabinete sa eksaktong oras kung kailan nabatid ng Pangulo ang Mamasapano incident noong Enero 25.

“Bahagi ‘nung sinasabi nating dapat ay mabuo ‘yung salaysay, the complete narrative—timelines, involvement of individuals, and so on. Kasi doon naman sa aspeto ng pagkakaroon ng accountability o responsibilidad, bigyang pansin nating muli ‘yung talumpati ni Pangulo noong February 6. Malinaw ‘yung kanyang deklarasyon doon: ‘Ako ang ama ng bayan… Ako ang Pangulo… Ako ang Commander-in-Chief… Lahat naman ng operasyong ‘yan ay sakop ng aking pananagutan…’ Kaya kahit kailan ay walang pag-iwas ang Pangulo sa kanyang ultimate responsibility and accountability dahil nga sa siya ang lider ng ating bansa,” ani Coloma.

Sa lahat aniya ng naging talumpati ng Punong Ehekutibo ay inilahad niya ang mga nalalaman hinggil sa madugong insidente kaya ang muling panawagan ng Palasyo ay iwasan ang paggawa ng mga kongkulusyon batay lamang sa mga indibidwal na testimonya hanggat walang inilalabas na ulat ang mga nagsisiyasat.

(ROSE NOVENARIO)

PNOY ‘DI NATINAG SA COUP PLOT

TINIYAK ng Malacañang na hindi natitinag si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa sinasabing planong kudeta laban sa pamahalaan na ibinunyag ni Sen. Miriam Santiago.

Sinabi ng opisyal na malapit kay Pangulong Aquino, patuloy lamang ang trabaho ng chief executive partikular sa mga paper works.

Inihayag din niyang hindi nagtatago si Pangulong Aquino at walang kinalaman sa isyu ang magkakasunod na meeting sa loob ng Palasyo at wala pang public event.

Napag-alaman ding kilala aniya ni Pangulong Aquino ang mga pasimuno nito at ilan ay dating malalapit sa kanya.

 

 

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *