PINABIBILISAN ni ACT Rep. Antonio Tinio ang pagbuo ng Implementing Rules and Regulations (IRR) sa Republic Act 10653 o ang pagtaas ng tax ceiling bonus mula sa P30,000 patungo sa P82,000.
Umaasa si Tinio na magagawa na agad ang IRR para sa pagpapatupad ng batas at hindi sana patagalin ng Department of Finance (DoF) at ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang paglalabas nito.
Ang DoF at BIR ang sinasabing mga ahensiyang pangunahing tumututol sa batas dahil malaki ang mawawala sa kita ng bansa kapag naipatupad na ito.
Ngunit katwiran ng kongresista, isa sa mga may-akda ng batas na ito sa Kongreso, hindi dapat ikabahala ng DoF at BIR ang revenue loss.
Pagtatanggol ng opisyal, tataas ang maiuuwing take home bonus ng mga empleyado at sa ganitong paraan ay lalakas ang buying power ng publiko at magiging maganda ito para sa ekonomiya ng bansa.
(JETHRO SINOCRUZ)