GENERAL SANTOS CITY – Nais imbestigahan ng sangguniang panlungsod ang sinasabing pang-aapi ng isang guro sa kanyang 6-anyos mag-aaral na nasugatan sa pisngi makaraan batuhin ng trolly bag.
Inabisuhan ni City Councilor Elizabeth Bagunoc si Rene Odi, ang school principal, para kunin ang sagot ni Elaine Malalay, Grade 1 teacher makaraan magsumbong ang lolo ng bata.
Ayon kay Konsehal Bagunoc, marapat lamang na maimbestigahan ang ginawang “corporal punishment” para hindi na ito pamarisan ng iba.
Mensahe niya sa guro, habaan pa hanggang langit ang pasensya dahil isa ring ina ang nasabing titser.
Una nang sinabi ng principal na may dinadalang problema ang nasabing guro.