Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Serial holdaper/rapist sa kyusi bagsak sa parak

112514 crime sceneNAARESTO na ng mga awtoridad ang serial holdaper at rapist na nanloob sa ilang establisemento sa Quezon City, sa follow-up operation ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) kahapon ng umaga.

Sa pulong balitaan, iniharap nina Quezon City Mayor Herbert Bautista at QCPD director, Chief Supt. Joel Pagdilao ang suspek na si Mark Soque, 29, ng 1687 Riverside Extention, Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Siya ay nadakip dakong 10:30 a.m. habang nag-aabang ng mabibiktima sa harap ng Ever Gotesco sa Commonwealth Avenue sa nasabing lungsod.

Nakompiska mula sa suspek ang isang granada, kalibre .45, isang sachet ng shabu, at motorsiklong gamit sa krimen na isang Yamaha.

Huling hinoldap at pinatay ng suspek ang isang Korean national na si Mi Kyoung Park nitong Lunes, Pebrero 9, 2015, sa loob ng Bean Leaf Coffee shop sa Holy Spirit Drive, Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Ayon sa pulisya, walong establisemento na ang hinoldap  ng suspek sa lungsod na ito.

Sinasabing dalawa sa naging kustomer ng ilan sa kainang hinoldap ay hinalay ng suspek.

Ang suspek ay positibong kinilala ng isa sa mga biktima nang iharap sa kanya.

Hinahanap pa ng pulisya, ang isa pang suspek na kasabwat ni Soque.

Almar Danguilan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …