Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Strong Champion nakalalamang

00 rektaSa darating na Linggo ay idaraos sa pista ng Metro Turf Club ang “17th PHILTOBO Gintong Lahi Awards at PHILTOBO Racing Festival”. Kabilang sa malaking pakarera sa araw na iyan ay ang unang serye ng 2015 PHILRACOM “Imported/Local Challenge Race” na kinabibilangan ng mga kabayong sina Divine Zazu (Aus), Nemesis (Phi), Macho Machine (Phi), Saturday Magic (Aus), Spinning Light (Aus), Star Belle (Aus) at Strong Champion (Aus).

Base sa kanilang mga naitalang rekord ay nakalalamang ang kalahok na si Strong Champion, dahil bukod sa sanay na siya sa malalakas na labanan ay angkop pa para sa kanya ang distansiyang 1,400 meters. Ang mga maaaring magbigay ng laban ay sina Divine Zazu at Spinning Light, pambulaga sa meta ang dehadong si Star Belle.

Mga puwedeng abangan sa Metro Turf ay sina Gold On Fire, Fickle, Fearless Boss, Batang Craig, Buhawi, Lady Marilyn at ang bagitong mananakbo na si Keeper Of Grace. Isama na rin ang mga sasakyan ni jockey Richard V. Brady na magdiriwang ng kanyang kaarawan, Happy Birthday Richard.

 

ni Fred L. Magno

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …