Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Manhunt ikinasa vs serial holdaper, rapist sa Kyusi

112514 crime sceneTINUTUGIS na ng pulisya ang suspek sa walong magkakasunod na holdap at ginahasa pa ang ilang kustomer sa iba’t ibang establisemento sa Quezon City. 

Inilarawan ng mga biktima ang suspek na may taas na 5’7 hanggang 5’8 at laging nakasuot ng bull cap kapag nambibiktima. 

Iisa ang modus niya sa pagsalakay sa mga establisemento na iginagapos at ipinapasok sa comfort room ang mga biktima, pinaghuhubad ang lahat ng mga customer at tinatangay ang mga CCTV recorder.

Batay sa rekord ng Quezon City Police District (QCPD), unang umatake ang kawatan sa isang derma clinic sa Maginhawa St., sa University of the Philippines (UP) Village noong Disyembre 23, 2014. 

Noong Enero 22 at 23, magkakasunod niyang hinoldap ang isang coffee shop sa E. Rodriguez Avenue, isang spa sa Tomas Morato Avenue at isa pang restaurant sa East Avenue. 

Isinunod ng suspek ang isang tea house sa Regalado Avenue sa Fairview noong Enero 26.

Nilooban din niya ang isang furniture shop sa Katipunan Avenue at hinalay ang isang empleyada noong Enero 27 habang pinasok din ang isa pang restaurant sa Commonwealth Avenue sa Lagro noong Pebrero 2. 

Nitong Lunes lamang isang cofee shop din sa Brgy. Holy Spirtit ang hinoldap ng suspek at binaril at napatay ang isang Koreana na si Mik Kyung Park. Hinalay rin ng suspek ang dalawang customer. 

HNT

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …