Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dayuhang retailer sinaksak ng helper (Separation pay hindi ibinigay)

Police Line do not crossISANG Chinese national na nagnenegosyo bilang retailer sa bansa ang sinaksak ng sinibak na helper sa Pasay City kamakalawa.

Nakaratay at inoobserbahan sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Xu Wan Yu, 19, ng 2741 Taft Avenue, Pasay City, inabot ng saksak sa likod.

Tinutugis ng pulisya ang suspek na Michael Mabugnon alyas Tangkad, 32, tubong Brgy. Cacay Ronabor, Tubod, Lanao del Norte, at naninirahan sa 047 Transmitter Area, Zone 19, Brgy 184, Maricaban, Pasay City.

Sa imbestigasyon nina SPO3 Allan Valdez at PO3 Lorene Osias, dakong 4:48 p.m. nang mangyari ang insidente sa Sunny Line Shopping Center na pag-aari ng biktima at ng kapatid niyang si Wan Fan Su, sa 2988 Taft Avenue ng nasabing lungsod.

Sinasabing sinibak sa trabaho ni Wan Fan Su ang suspek bilang helper sa kanilang tindahan sa hindi binanggit na dahilan.

Kahapon, nagtungo ang suspek sa tindahan para kunin ang kanyang separation pay ngunit nabigo siya.

Bunsod nito, nagalit ang suspek, binunot ang dala niyang patalim saka inundayan ng saksak sa likod ang biktima at pagkaraan ay mabilis na tumakas.

J. Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …