Sunday , December 22 2024

Bill sa dagdag benepisyo ng pulis binuhay sa Senado

021714 police pulisSA gitna nang masaklap na pagkamatay ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF), iginiit sa Senado ang pagpasa ng panukalang batas na Magna Carta for the Philippine National Police (PNP) o karagdagang benepisyo sa mga pulis.

Magugunitang sa pagtatanong ni Sen. Sonny Angara sa pagdinig ng Senado kay dating SAF commander Dir. Getulio Napeñas, sinabi ng heneral na ang mga miyembro ng pulisya na nakatalaga sa danger zones at tactical units ay tumatanggap lamang ng hazard pay na P240 bawat buwan at combat pay na P1,020 sa bawat quarter o P340 bawat buwan.

Sa ilalim ng Senate Bill 2594, ni Angara, “uniformed PNP personnel who is exposed to hardship and combat situation or other hazard unusual to peacekeeping, crime prevention and investigation activities will be compensated with a special hardship allowance.”

Sa oras na mapagtibay bilang batas ang panukala ni Angara, magiging P8,467 na ang kabuuang combat pay ng Police Officer II mula sa dating P580.

Nakapaloob din sa SB 2594, ang pagkaloob ng assignment allowance na katumbas ng kalahating buwan sahod ng uniformed PNP personnel kapag naitalaga sa remote areas.

Cynthia Martin

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *