Sunday , December 22 2024

Villar nanguna sa paglagda sa Convention on Wetlands of International Importance

villar wetlandsPINANGUNAHAN ni Senadora Cynthia Villar ang   anibersaryo ng paglagda sa “Convention on Wetlands of International Importance” sa pamamagitan ng paglilinis sa Las Piñas-Paranaque Critical Habitat and Eco-Tourism Area (LPPCHEA).

Ayon kay Villar, ang pagdiriwang ay isang pagkakataon upang makatawag ng atensiyon kaugnay ng lumalalang kondisyon ng LPPCHEA dahil sa hindi maayos na waste management kaakibat ng planong reklamasyon sa Manila Bay.

Idineklarang “protected area” ang 175-hectare na LPPCHEA na nasa baybayin ng Manila Bay sa bisa ng Presidential Proclamation No. 1412. Ang LPPCHEA ay may 30 ektaryang mangrove forest at bird sanctuary.

Bukod sa LPPCHEA, kabilang din sa ibang wetlands ng Filipinas na nasa Ramsar List ang Puerto Princesa Subterranean River National Park sa Palawan, Tubbataha Reefs National Marine Park sa Sulu, Agusan Marsh Wildlife Sanctuary, Naujan Lake National Park sa Oriental Mindoro at ang Olango Island Wildlife Sanctuary sa Cebu.

Nilagdaan sa Ramsar, Iran, noong February 2, 1971 ang Convention on Wetlands.  Ipinagdiwang sa kauna-unahang pagkakataon ang World Wetlands Day noong 1997.

Simula noon, nagsagawa ng mga aktibidad ang mga nagsusulong sa kahalagahan ng wetlands sa buong mundo. Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Wetlands for Our Future.”

Cynthia Martin

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *