Sunday , December 22 2024

Manila Dialysis Center bubusisiin (Maling sistema nagresulta sa iregularidad)

manila dialysis centerIBINUNYAG ng isang mapagkakatiwalaang source,  nakatakdang imbestigahan ng Commission on Audit (COA) at ilang ahensya ng pamahalaan ang  Manila Dialysis Center dahil sa mga reklamo ng umano’y talamak na iregularidad sa ilalim ng pamamalakad ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrda at mga kaibigan nito.

Batay sa ating source nagrereklamo ang mga pasyente dahil sinisingil umano ng isang alyas Holy Manny na nagmamalaking malapit siyang kaibigan ni Erap.

Tinukoy ng source na si alyas Holy Manny ay kilala rin supplier ng mga entertainer at isa na si Erap sa kanyang sinusuplayan.

Sinabi ng source na mismong si alyas Holy Manny pa nga ang nagkakalat ng tsismis ukol sa mga ‘request’ ni Erap na bagay na lubhang sumisira sa reputasyon ng dating Pangulo.

Idinagdag ng source, sa kabila ng reklamo ng mga taga-city hall laban sa isang nangangalang alyas Lui A., medical staff sa Manila Dialysis Center dahil sa asal at paggamit sa mga equipment ng dialysis center sa mga personal na lakad ay nanatili pa rin sa kanyang puwesto.

Hiniling sa COA na inspeksyonin  ang mga report na ang medical staff na si alyas “Lui” ay ginagamit ang mga equipment ng dialysis center para sa kaniyang mga kaibigan at kamag-anak na hindi naman taga-Maynila.

Kitang-kita rin ng mga taga-City Hall ang madalas na paggamit ni alyas “Lui” sa ambulansiya ng Dialysis Center para sa kaniyang mga personal na lakad. Ang ambulansiya ang ginagamit ni Lui bilang personal na service kapag nagpupunta sa City Hall at sa iba pang lugar.

“Hindi na nahiya ang babaeng ‘yan. Kapag may biglang nangailangan ng ambulansiya walang maipapadala ang Maynila dahil gamit niya sa personal niyang lakad,” pahayag ng isang empleyado ng City hall na tumangging magpabanggit ng pangalan.

Magugunitang minsan na rin naiulat ang nagngangalang alyas Lui na pilit nagpapapansin kay Erap kung kaya’t lahat ng bagay ay kanyang ginagawa mapansin lamang ng dating pangulo.

Maging si Dr. Loi Estrada ay boycott sa opening ng dialysis at maging ang lahat ng mga activity nito ay hindi na niya dinadaluhan sa kabila na ito ay kanyang proyekto.

Hindi kasi mawala sa isipan ng dating Senadora ang ginawang pambabastos sa kanya ni alyas Lui sa isang okasyon.

Ipinagbawal na umano ni Erap na magpunta sa City Hall si alyas Lui lalo sa daily lunch meeting na madalas niyang puntahan kahit hindi siya  imbitado.

Hinahanap ng media si Dra. Loi sa opening ng Dia-lysis Center pero hindi na siya nagpunta dahil nagbida-bidahan naman si alyas Lui A.

Si alyas Lui A., ay mayroong dalawang anak at nasa edad 50 anyos na at hiwalay sa kanyang asawa.

Iginiit ng source na tila hindi na yata natuto si Erap na ang mga kaibigan din niya at mga mumurahing babe ang nakasira sa kanya noong siya ay Pangulo ng bansa.

Sakaling hindi sentensiyahan ni Erap sina alyas Lui A. at Holy Manny tiyak na ano man ang maging resulta ng COA ay makakaladkad ang kanyang pangalan na higit na makaaapekto sa kanyang last hurrah.

Niño Aclan

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *