Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lider ng magsasaka binistay ng bala

112514 dead

CAMP OLIVAS, Pampanga – Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang 64-anyos lider magsasaka makaraan bistayin ng bala nang malapitan ng dalawa sa apat armadong kalalakihan na lulan ng motorsiklo sa tapat ng kanyang bahay nitong Linggo sa Brgy. San Jose, bayan ng San Simon ng lalawigang ito.

Base sa ulat ni Chief Inspector Michael Riego, hepe ng San Simon Police, sa tanggapan ni Chief Supt. Ronald Santos, PRO-3 director, isinugod ng mga kapitbahay sa ASCOM Medical Center sa bayan ng Apalit ang magsasakang si Severino Soreano, ng San Jose Village, San Simon, Pampanga, treasurer ng San Jose Farmers Irrigation Association, ngunit idineklarang dead on arrival dahil sa apat na tama ng bala ng kalibre .45 baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, sinasabing maaaring alitan sa lupa o sa irrigation canal ang dahilan ng pagpaslang sa biktima.

Ayon sa salaysay ng mga kapitbahay, masayang nakikipagkuwentohan ang biktima nitong Linggo dakong 6:30 p.m. nang dumating ang mga suspek na lulan ng dalawang motorsiklo saka pinagbabaril ang biktima.

Leonila Arevalo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …