Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kinse anyos 7 beses sinaksak ng rapist (Pumalag sa rape)

112514 crime sceneKRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 15-anyos dalagita makaraan pitong beses saksakin nang pumalag sa tangkang panggagahasa ng isang 27-anyos lalaki habang natutulog kamakalawa ng madaling-araw sa San Mateo, Rizal.

Kinilala ni Supt. Ruben Piquero, hepe ng San Mateo Police, ang nadakip na suspek na si Airmel Sultan, delivery boy,  nakatira sa Purok 4, Buntong Palay, habang ang biktima ay itinago sa pangalang Jessica.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong 2:30 a.m. nang tangkaing gahasain ng suspek ang biktima habang natutulog sa bahay ng kanilang kaibigan.

Nagising ang biktima nang maramdaman ang mabigat na bagay na nakapatong sa kanya kaya napabalikwas ngunit inupakan siya ng suspek at pitong beses na sinaksak saka mabilis na tumakas.

Nauna rito, nakipag-inoman ang suspek at biktima sa bahay ng kanilang kaibigan at nang malasing ang dalagita ay doon na nakitulog ngunit may maitim palang balak sa kanya ang salarin.

Agad naaresto ang suspek sa follow-up operation at kasalukuyan nang nakapiit sa himpilan ng pulisya.

Ed Moreno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …